Chapter 64: Hi, Mr. Vice!

35 5 0
                                        

REINA JOY


Bumukas ang bintana at nakita kong huminga ng malalim si Kuya. 


"Joseph..."


Dumako sa sa akin ang tingin niya at nginitian ako


"Hi, Reina. Good Morning,"


Inirapan ko siya at pinagkrus ang braso ko. 


"Walang good sa morning ko kung isang bruha ang magpapakita sa harapan ko. Kay aga-aga." 


Siniko ako ni Kuya pero hindi ko yun pinansin. Hmp!


"Ano kailangan mo?" 


Sinadya ko talaga maging rude sa kanya para ipakitang hindi ako natutuwa sa biglaan niyang pag-uwi.


"Uhm... bawal ba ako pumunta dito?" 


As usual, with her soft tone of voice.


"Hindi naman bawal sa iba pero oo, bawal pag ikaw." 


Siniko na naman ako ni Kuya kaya tumingala ako sa kanya.


"You are being mean to me naman, Reina. How are you?" 


Nginisihan ko si Kuya sa tanong nitong witch na 'to at napa-iling nalang siya. 


Pag ganito kasi ang tinatanong sa akin, wala siyang choice kundi pabayaan akong sumagot hehehe.


"Alam mo ikaw....Ako? Mabuti naman ako and," 


Hinarap ko si Witch at nginitian siya. 


"I'm not being mean. I'm speaking what my mind wants me to say. At saka huwag mo nga akong ma english-english! Tatlong taon ka lang sa US ang arte mo. Kala mo naman amerikana! Tara na nga kuya. Kaimberna mukha nitong babaeng 'to. Kala mo naman maganda,"


Well, maganda naman talaga siya, hindi nga lang namana ng ugali niya.


"Attitude ah?"


"Naman!" 


Tinawanan ako ni Kuya at nang maihatid na niya ako sa campus, lumihis na din siya ng daan at inilabas pa niya yung cellphone niya. 


Bilin ko kasi sa kanya na paglalapitan siya nung babaeng yon, kukunin niya yung cellphone niya at tawagan ako.


Tapos a-act lang siya na may jowa siya even though ako yung kausap niya hehehehe! 


Talino ko no? 

Hi FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon