REINA JOY
Yung kotse ni Quintin ang gamit namin, actually hindi siya kotse, isa siyang pickup truck.
Mag ko-kotse sana kami pero trip nilang mag joyride kasama si Kuya kaya ito nalang.
Driver ni Quintin yung nagmamaneho para wala daw makadisturbo sa amin dito sa likod though nandon si Kuya sa passenger para sigurado kung saan kami pupunta.
"Oh! Ganda ng view dineee!"
Nakangiting sabi ni Carlo at tinuro yung viewdeck.
"Dito muna tayooo!"
Tinapik nila yung bubong ng kotse.
Huminto ang pickup pagkatapos ng ginawa nila.
Nakabalabal ako ngayon kasi ang lamig ng panahon at mukhang uulan pa nga!
Pag minamalas ka nga naman!
"Hali ka, Ren!! Nakapunta na kami dito dati last year, wala ka pa non e,"
Napatingin ako kela Eugene kasi hinila ako ni Franco papunta dun sa deck kung nasaan may mga railings at syempre hindi lang kami ang tao dito.
Ang dami kaya!
"Carlo, Picturan kita."
Ngumiti si Carlo sa akin at tumango.
"Sige!"
Binigay ni Henry sa akin ang camera niya kaya kinuha ko yun at pinapwesto si Carlo kung saan maganda ang lightning.
Ngumiti yung loko at binuka pa ang braso niya habang nakangiti ng malapad.
"Kami rin! Ang daya!"
At ayon po, nandon na silang lahat maliban sa akin ampucha!
Ginawa pa akong photographer!
"One two... smilee!"
Ang lalapad ng ngiti nila pero yung smile ni Quintin ang nakakapag pangiti sa akin.
Ang lalim kasi ng dimple niya pero whop!
Taken na yang lalaking yan so hanap na ako ng iba.
Si Mr. Vice kaya?
Malalim rin dimple nung lalaking yon.
Char!
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Dla nastolatkówShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...
