REINA JOY
Ngumiti ako nang maglapag ng pagkain si Benj at Eugene sa harapan ko habang minimake-apan si Luiz ni Michelle.
"Oy! Bilhan mo rin si Michelle—"
"Nako, wag na Ren."
"Anong wag na? Di pwedee!"
Tumango si Quintin at binigyan ng pera si Ken at Ivan.
Napa Kamot sa ulo yung dalawa bago lumakad paalis.
Nilagay ko sa armseat ni Luiz yung lunch box niya para makakain din siya habang minimake-apan siya.
"Pwede po ba na kumain habang nag-aano po kayo?" Tanong ni Luiz. Tumango si Michelle at na mula na naman yung pisngi niya.
"P-pwede po,"
Nagsimula na rin akong kumain dahil binili nila yung favorite kong guso hehehe. Pati yung ibang contestants kumakain na din cause it's already 12 pm and lunch time na.
Yung Class Zero ay nandun sa bintana— sa labas ha! Bawal kasi silang pumasok sa loob.
Maliban yung nagdadala ng lunch namin.
"Hindi ba pupunta kuya mo?" tanong ni Shannon habang nakalagay yung baba niya sa toktok ng ulo ni Carlo na nakanguso sa bintana.
"Mamaya pa yun darating,"
"So pupunta talaga siya?" asked Quintin.
"Kelan ba yun hindi pumunta pag kasali si, Reina Joy?" Mara answered.
"Kumain na ba kayo?" tanong ko sa kanila habang umiinom ng tubig.
Nagsipag-tango naman sila.
"Party?" Nag ningning ang mga mata ko at ngumuso.
"Rank-up niyo naman akooo! Narank-down ako eh hehehe"
"Yaw nga namin! Ayaw mo kami papasukin ih!"
Eh kung e-flick ko kaya tong nguso ni Carlo? May magagawa ba ako? Nandun kaya sa may pinto si Ms. President at Mr. Vice.
"Grabe ka! Bawal nga kayooo!" I said, whining.
"Bakit nga bawal!"
"Basta bawal!"
Napatingin ako sa pinto nang bumukas yun at pumasok ulit si Benj at Eugene na may dala-dalang lunch box.
"Salamat," sabi ko sa kanila, tumango naman yung dalawa at umalis na kasi pinapaalis na sila ni Mr. Vice.
"Michelle, kumain ka pagkatapos mo dyan."
Hindi sumagot si Michelle dahil nag fo-focus siya sa pag mamake-up kay Luiz.
Tumayo ako sa upuan ko para matingnan ang mukha niya.
My jaw dropped.
"Ang pogi mo, Luiz."
Nag thumbs-up ako kay Mara dahil idea niya na si Luiz yung i-partner sa akin.
"Sabi sa inyo eh!" natatawa na sabi ni Mara at sumayaw-sayaw sa labas.
"Sure na ang couple of the crowd!"
"SURE WIN!!!!"
Tiningnan ni Luiz ang sarili niya sa salamin habang kagat-kagat 'yong kutsara niya at inayos ang buhok niya.
Inisprayhan na yun ni Michelle so yung ginawa nalang ni Luiz ay kumuha ng konting strands sa buhok niya at binagsak sa noo niya.
Yung bangs ba, ganon!
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Genç KurguShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...
