CARLO
Hindi kaya ng clinic ang nangyari kay Ren-Ren kaya nandito kami ngayon sa hospital.
Pina admit siya ni Kuyang Joseph kasi feeling niya nagkaroon daw ng Anaphylaxis allergy reaction si Ren-Ren at sa pangalan pa lang alam mo ng delikado at nakakatakot.
Natigil ang pageant ng isang oras dahil sa nangyari kay Ren-Ren pero sabi ni Kuyang Joseph ay ipagpatuloy lang daw nila ang pageant at kung meron mang awards na makuha si Ren-Ren ay ibigay na lang nila kay Luiz or pag maayos na siya.
Bumukas ang pinto sa kwarto ni Ren-Ren kaya doon napunta ang atensyon namin.
Tinanggal nung doctor yung suot niyang mask at tumingin sa amin.
"May allergies ba ang pasyente?"
Tumango si Kuyang Joseph at tumayo sa upuan niya.
"Peanuts and fish."
"Sa amoy ng lips niya, looks like she ate something at ang amoy ng injected site niya ay amoy fish oil."
Napahawak si Kuyang Joseph sa ulo niya at napa-upo ulit.
"She have a Anaphylaxis reaction but don't worry, we already injected a Epinephrine on her. Anyone knows kung ano ang na kain niya? As for me, I think it's the reason why she passed out."
Itinaas ni Paulo ang kamay niya kaya napunta sa kanya ang tingin namin maliban kay Kuyang Joseph.
"Excuse me..." sabi nung doctor at umalis na.
Huminga ng malalim si Paulo, "May lumapit na Grade 11 Class One sa kanya kanina at binigyan siya ng pagkain kasi magpapicture daw sila tas ako yung ginawa nilang photographer kaya tumayo ako sa upuan ko at lumapit sa kanila para picturan sila."
"What food?"
Ako ang natatakot ngayon kay Kuyang Joseph.
Naging seryoso na naman kasi ang aura niya.
"Parang grahams yun eh."
Tumango lang si Kuyang Joseph at walang pasabing pumasok sa ward ni Ren-Ren.
Nagpalitan kami ng tingin at kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha ng Class Zero.
Hawak-hawak pa din namin yung banner at yung fan kung nasaan ang mukha ni Ren-Ren at Luiz.
Pumasok kami sa loob at napanguso nang makita namin si Ren-Ren sa higaan niya na parang natutulog lang.
Naka-upo si Kuyang Joseph sa kama ni Ren-Ren habang hinahaplos ang buhok niya.
"So she have allergies?" tanong ni Bossing Shannon kasi nabalot ng katahimikan ang ward at wala ni isa ang nagawang magsalita.
"Yes. Theo is lucky this time."
"Si Theophany?" tanong ni Bossing Shannon.
Tumingin siya amin ng nakakunot-noo.
"Bakit, nakita mo ba na siya ang may gawa? Diba sabi ni Paulo dalawang babae daw galing Class One?"
Tumango ulit si Kuyang Joseph at hindi man lang natinag sa pagtaas ng boses ni Shannon.
Tumabi sa akin si Franco nasa kabilang side ako ng kama ni Ren-Ren at hina-hawakan ang kamay niya.
"I know because I know," tipid na sagot ni Kuyang Joseph.
Seryoso ba sila?
Dito sila mag-aaway kung nasaan si Ren-Ren nagpapahinga?
Jusko naman.
"Hindi mo nakita, Joseph. Huwag ka ngang mag bintang diyan."
"You don't know."
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Novela JuvenilShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...
