Chapter 81: Perya at Plaza (2)

27 2 0
                                        

REINA JOY


"Pa barya po akoooo." 


Binigay ko dun sa lalaki yung pera ko. 


Syempre yung singkwenta lang yung binigay ko no. 


Tinitigan pa nga niya ako bago niya kinuha yung pera ko at binarya yon.


"Blue ako." 


Nilagay ni Carlo yung bente niya sa blue.


"Ang galing mo dito e! Andaya,"


"Hala indi ahhh! Hula hula lang yan," 


Nginusuhan ko si Carlo at nilagay ang bente ko sa puti. 


May naglagay din ng pera sa ibang color kaya napahawak ako sa bag ko. 


Nilagay na ni kuyang may-ari yung mga dice dun sa lalagyan habang naghihintay sa taya ng iba.


Nang malagyan na lahat ng color, tumabi ako kay Carlo at tumingin kela Kuya na nasa gilid nung may-ari na naka-krus ang braso habang pinapanuod kami at nag-aaway pa nga kung aling color daw pa-padpad ang dice.


Binagsak na ni Kuyang may-ari yung mga dice kaya napakagat ako sa labi ko.


Bumagsak lahat ng color sa blue kaya napanguso ako at sinuntok ang braso ni Carlo.


Ang daya!


Sana sinabi niya rin sa akin na blue rin! 


Hati sana kami ng premyo!


"OH PANALO!" 


Inirapan ko nga siya.


Binigay ni Kuyang may-ari lahat ng pera sa kanya kaya nakangising aso yung gago ngayon.


"Oh Yellow," sabi ni Carlo at nilagay yung pera niya sa color yellow.


Nilagay ko yung bente ko sa nguso ko at tumingin kay Kuya Gael na tinuturo ang color white. 


"Pag ito hindi mananalo, bigyan moko ng bente!"


"HAHAHAHAHA!"


"Tawang-tawa Joseph?" tanong ni Kuya Gael.


"Who wouldn't?"


Sinunod ko ang hula ni Kuya Gael at nilagay ang pera ko sa color white. 


Nagsipag Lagay na rin yung mga kalaro namin and mostly bata sila, around 10 years old sila.


Hi FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon