REINA JOY
"Tanga ka ba? Pagkatapos nung ginawa mo sakin bibitawan kita? Aba! Putangina! lintik lang walang ganti!"
Tinadyakan ko yung tiyan niya na ikinadaig nito dahil sa sakit.
"Atay ka ah!"
Sigaw niya pagkatapos niyang makarecover sa ginawa ko.
Ako pa talaga yung giatay?!
Naglakad ako kay Kuya para ibigay ang bag ko bago ko binalikan ang lalaki.
"Ako giatay?"
Umiwas ako ng ambahan niya ako ng suntok at kaagad na sinipa ang binti niya na dahilan ng pagkaluhod niya sa harapan ko.
Hinawakan ko ang ulo niya bago ko sinipa ang dibdib niya kaya napahiga siya sa sahig.
"Go sis!"
Tumingin ako kay Kuya at napadaing nang may sumuntok sa tiyan ko.
"SHIT!" sigaw ni Kuya.
Napahawak ako sa tiyan ko at tinapunan ng masamang tingin ang gumawa non sa akin pero wala na
Nakahiga na siya sa sahig pagkatapos siyang suntukin ng malakas ni Kuya.
"MAY POLICE!"
Hinawakan ni Kuya ang braso ko at saka kami tumakbo palabas ng Atecle's Grill at tumakbo papuntang parking lot kung nasaan ang kotse niya.
Malakas ng konti ang suntok sa may tiyan ko kaya doon ako nakahawak habang tumatakbo kami papuntang kotse.
Pinag buksan ako ni Kuya ng pinto at may binilin sa akin.
"Stay here, bibili akong ice."
Tumango ako sa sinabi niya at nakita ko na lang siyang tumakbo papunta sa mga tindihan para bumili ng ice.
Aanhin niya yung Ice?
***
When we arrived home, kanina pa niya kinukwento sa akin kung ano daw ang dapat kung ginawa.
Ina-action pa nga niya eh
Dapat daw in-uppercut ko
Dapat daw ganyan, ganito, ganon.
"Ganon!" sabi ni Kuya pagkatapos niyang e action yung mga pinagsasabi niya.
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Novela JuvenilShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...
