REINA JOY
Sinablay ko sa leeg ko ang polaroid na bigay ni Ivan at bumaba while I'm carrying my hand bag.
Naka short lang ako ngayon at sleeveless.
Sila naman nakasando lang at naghilata sa sahig nanunuod ng chuchu TV sa TV.
"Good Morning,"
"Good Morning," bati ko kela Quintin at tinabi ang bag ko sa kanila.
Hinihintay namin si Kuya na bumaba kasi hinanap pa niya yung sando at ang tuwalya niya.
Sinabihan ko siya na yung aking nalang yung dalhin niya pero ayaw niya kaya hindi ko nalang pinilit.
"Kumain na kayo?"
"Yes, They prepared food for us," sagot ni Quintin.
Napangiti ako sa sinagot niya nang may biglang maalala ako.
Oo nga pala, hindi ko pa sila pinasalamatan don sa mga regalo!
Tumingin ako sa kanilang lahat at ngumiti.
"Salamat pala sa mga regalo niyo ah,"
"Hindi ko pa nabubuksan yung akin kasi kinain ako ng katamaran but Thank you too guys!" Nakangiting sabi ni Luiz at binalik ang tingin sa TV.
"Hindi ako nagexpect na magbibigay kayo ng ganon," I said na ikinatango ni Luiz.
"E kasi nga proud kami sa inyong dalawa! Tas ang galing niyo kaya, kulang pa nga yon eh—" Naputol ang sasabihin ni Paulo nang biglang tumayo si Nestor.
"OY DEAN! MAY TUMATAWAG SA PHONE MO!" Napatayo si Dean galing sa pagkakahiga sa carpet at kinuha yung phone niya.
"Nandito na, sabihin ko ba yung address ng pool?"
"Sige."
Lumabas si Dean sa bahay ng may kausap sa phone niya.
Tumabi ako kay Carlo at humiga sa likuran niya at nanuod na rin.
Hindi ko sila makausap ng maayos kasi yung atensyon nila nasa TV.
Si Quintin kinakanta yung mga kanta ng chuchu TV tas si Ivan ayon, ginagaya yung acting sa TV kasama si Eugene at Paulo.
Huwag niyo na itanong ginagawa ng president at vice namin! Sumasayaw lang naman sila.
Kumuha ako nung kinakain ni Carlo at Franco na dried banana habang hinihintay si Kuya. "I'm done."
Nagsipag Tayo na sila sa sahig at sa couch nang dumating si Kuya and as usual, unang lumabas si Shannon ng walang pasabi kaya sinundan ko lang siya ng tingin.
"Let's go? I book for a day only so dapat sulitin niyo,"
Malakas na hiyawan ang kinawala ng mga itlog bago kinuha yung mga bag nila at lumabas ng bahay.
Kinuha ko ang bag ko at niyakap ang beywang ni Kuya at sabay kaming lumabas pagkatapos niyang bilinan yung mga katulong niya.
Walang dalang kotse si Carlo kaya heto silang lima nila Dean, Gino, Nestor, Ken at Franco sa backseat parang suman.
"Usog naman. Apaka laki ng pwet!"
"Ako nauna dito. Diyan ka humiga sa sahig kung gusto mo,"
"Porket ikaw na-una hindi ka na uusog?!"
"Bakit, pag hindi ba uusog sasabihan na ng malaking pwet!? Si Reina Joy nga-"
"Tahimik! Carlo, ba't ka nakabukaka? E close mo yang legs mo! At ikaw, Ken huwag mo e cross yang binti mo. Nestor, umisog ka kay Carlo at kayong dalawa umupo sa gitna! Ang ingay e." angal ko.
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Novela JuvenilShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...
