Chapter 101: For the first time

28 3 0
                                        

REINA JOY


"Kinausap ko ang kuya mo kanina at mukhang hindi mo sinabi sa kanya kung ano ang nangyayari between you and Class Zero and Thank you for not telling him." 


I nodded my head.


"Salamat.." 


Napayoko ako habang hinahawakan ng mahigpit ang dalawang folder. 


Hindi ko mapigilang hindi mapahagulhol ng iyak kasi akala ko hindi nila yon napapansin. 


Akala ko wala na talaga akong silbi sa kanila. 


Buong akala ko tinalikuran na nila ako 


Lahat.


"Ren?" 


Umiling ako kay Orion at kusang pinunasan ang luha sa mga mata ko at ngumiti.


"Masaya lang ako," I told them. 


Huminga ako ng malalim at pinaypayan ang mga mata ko bago ngumiti sa kanilang dalawa.


***


Nestor and Orion sat beside me sa pinakalikuran habang tinuturo sa akin yung mga namissed kong klase sa MMW at PR. 


Yung MMW ay kay Orion at yung PR kay Nestor, e-tatry din daw nila mamaya sa PR kung pwede ba na kami na lang tatlo ang grupo para sa Research at sana lang payagan kami.


"Carry one, then that's the answer!" 


Sinulat ni Orion ang solution sa papel at binigay sa akin. 


Tumango-tango ako at sinulat sa notebook ko yung sinulat ni Orion.


"Try to solve the number 40 na."


"Okay, Matsalam!" 


Pati ako ay natawa sa sinabi ko bago ko sinimulang sagutan ang number 40. 


Nilalakbayan namin ni Orion yung mahirap kasi susubukan daw niyang aalahanin kung anong topic yon at syempre naglabas na rin siya ng notebook no!


Habang busy ako sa kaka-Answer, silang dalawa naman ay nagtuturuan sa PR kung paano daw e explain yun at kung paano nila e evaluate sa akin yon. 


Nagtatalo pa nga sila kung alin don ang tama at kung alin ang mali. 


Bahala sila jan basta tatapusin ko tong MMW.


Napakamot ako sa ulo ko habang tinititigan ang number 69. 


Hi FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon