Chapter 42: Coronation (2)

47 8 0
                                        

CARLO

6 pm na at nabigla sila Shannon nung ibalita nila Eugene at Dean na umuwi daw si Winston at yung troops niya. 

Hindi niya daw yun inakala. 

Ako, alam ko ang dahilan. 

Alam namin ni Franco pero tuwing tinatanong nila kami ay ang parati lang namin sagot, "Baka natakot sa atin?"

"Dapat lang!" sabi ni Shannon.

"GOOD EVENING STUDENTS!"

"Carlo? Tingnan mo nga muna si Reina Joy kung kumain ba yon. Baka kinakabahan na naman yun." 

Tumango ako kay Kuyang Joseph at binigay kay Gino yung coke ko at lumakad papunta sa backseat para makita ang contestant namin.

As usual, naglalakad na naman si Ren-Ren pero masaya ako kasi nakangiti na siya at ang atensyon niya ay nakatuon na sa pageant kesa kay Winston. 

"Bolagaa!"

"ANO BA CARLO!" 

Tinawanan ko siya at hindi lang pala siya yung nagulat ko, sila pala lahat.

"Marami bang tao? Jusko kinakabahan na akooo! Huwag kayong magagalit kung hindi ako mananalo ah?" 

Lah! 

Kelan ba kami nagalit sa kanya e proud nga kami!

"Hay nako Ren-Ren, huwag ka nga mag overthink! Manalo or Matalo proud pa rin kami sa inyo. At saka dapat lang na gandahan niyo yung rampa niyo kasi may pa banner ang kuya mo!"

"Ano?? gosh nakakahiya!!" 

Luh

"Anong nakakahiya?! Lahat kaya ng class merong banner! Ang OA"

Piningot niya ang tenga ko kaya napa-aray ako at nag peace sign.

Maraming sinasabi yung MC kaya may oras pa para kumain si Ren-Ren at Luiz. 

Nagsalo nga sila sa mga box ng jollibee na binili ni Kuyang Joseph eh.

Syempre sinusubuan ako ni Ren-Ren kaya kumain rin ako. 

"Ang ganda mo talaga, Ren," 

Kahit ano klaseng tampal ang gawin ko sa labi ko, hindi talaga mapigilan na sabihin yon. 

Totoo naman kasi!

"Alam ko, matagal na"

"Hehehe! Picture tayo mamaya ah??"

"Opooo,"

"Ako muna bago yung iba ahhh?"

"Opooo!"

Nginitian ko si Ren-Ren at ngumanga ulit kasi sinusubuan na naman niya ako. 

Nagmumukha talaga siyang ate ko! Sayang lang at wala na akong ate. 

Bumukas ang kurtina ng backstage at niluwa nun ang parents ni Luiz na mga celebrity rin.

"Son!"

"You came!"

Nilean ni Ren yung mukha niya sa akin kasi nakatutok kami sa parents ni Luiz na nasa may kurtina at may malapad na ngiti sa labi. 

"Sino sila?" tanong ni Ren-Ren.

"Parents ni Luiz hehehe pogi at ganda no?" 

Tumango siya at nag thumbs up sa akin bago kami kumain ng palabok hanggang sa maubos namin yung prinipare ng kuya ni Ren-Ren.

"You must be, Reina Joy?— Oh! Hello Carlo!"

"Hi, titaaa,"

Pinabayaan ko si Tita na lumapit kay Ren-Ren at makipag kamay don. 

Hi FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon