REINA JOY
KNOCK! KNOCK!
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sunod-sunod na katok galing sa pinto ng kwarto ko. Ano ba yan! Kitang natutulog ang tao-"Open this goddamn door, Reina Joy Fuentes!"
Sabi ko nga babangon na ako.
"Saglit lang! Kitang kakagising lang eh!"
Ginulo ko ang buhok ko bago ako tumayo galing sa kama at binuksan ang pinto. Kuya threw a towel on my face that makes me scoffed.
"Late ka na. Ligo na."
Tinulak niya ako sa papasok sa kwarto ko kaya napawhine ako at binagsakan ng pinto si Kuya bago pumunta sa CR.
Totoo nga? Late na ko?
Tumingin ako sa wallclock ko at tumakbo papasok sa CR para maligo.
"LATE NA AKO!!!!!"
"Bilisan mo!" sigaw ni Kuya.
***
"Oh. Kape."
Tiningnan ko siya ng masama. "BAKIT HINDI MO SINABING MALAMIG ANG TUBIG?!"
"Nagtanong ka?" Aba!
"Eh bakit pinaligo mo ko?"
Kuya shrugged his shoulder and sipped on his hot coffee.
"Ang baho mo!" bulong ko sa tenga niya bago ininom ang kape ko. Naiinis ako sa kanya.
As in INIS na INIS ako sa kanya.
Mukha siyang pwet!
Pagkatapos naming mag-almusal. Kinuha ko ang bag ko sa couch at sinabit yun sa balikat ko. "Una na ako pwet—este! Kuya"
"Wait up."
Napakunot-noo ako nang kunin rin ni kuya ang bag niya at tinapon ang susi ng kotse niya sa kanyang sala bago naglakad papunta sakin. "Maglalakad ka?" Tumango siya sa tanong ko at naunang maglakad paalis.
I smiled. "Eh bakit?"
"I just want. Ayaw mo ba akong makasama?" I smiled widely.
Kaya naman pala! Gusto niya akong makasabay!
"Sabihin mo, namiss mo lang akong ihatid!"
"Syempre! Napaka-famous na ng kapatid ko eh,"
I smiled and flip my hair in his face. "Proud ka?"
"Kelan ba ako hindi naging proud sa'yo?" Napangiti ako sa sagot ni Kuya.
Kahit kailan talaga to si Kuya ang galing magpa-soft ng tao.
Sabay kaming naglalakad papunta sa school. May nakasalubong kami na nagpapicture sa akin. Dumistansya si Kuya pero hinihila ko siya pabalik kasi balak ko siyang isama kaya ayon, ngiti siya.
Nagpasalamat kami ni Kuya pagkatapos nung picture-picture na yun at nagsimula na namang maglakad.
"Nasasanay ka na sa ganito no?" he asked. I blinked.
"Hindi naman. Nahihiya parin ako no! Oo, maganda ako pero nakaka-awkward din."
"Sa mukha mong yan?" Nang-aasar na naman siya
"Reina Joy!"
Napatingin ako sa tumawag sa akin at akala ko kung sino si Manhattan lang pala. Mabilis siyang umiwas ng tingin ng makita niya si kuya.
"Good morning, Mr. Fuentes," pormal niyang bati kay kuya.
"Morning," sagot ni Kuya.
"Sasabay ka?" I asked.
![](https://img.wattpad.com/cover/310953226-288-k254861.jpg)
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Ficção AdolescenteShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...