REINA JOY
Sinarado ko ang pinto at dumampot ng bato para ibato dun sa mga lalaking bumugbog kay Nerd.
"HOY!!"
"Shit! Si Joseph!"
"Asan?"
Lumingon sila sa direksyon ko at nagtakbuhan palayo kaya napakunot-noo ako.
Sino daw?
Ewan ko, hindi ko narinig yung sinabi nila eh.
"HUWAG NA KAYONG BUMALIK!" sigaw ko sa kanila.
Tumakbo sila palayo habang nagsisigawan.
Problema ng mga yon?
Nilapitan ko si Nerd at dinampot ang eyeglass niya sa daanan at ibinigay yon sa kanya.
"Okay ka lang?"
"O-Oo..."
Obviously, that's a lie.
"What the heck? Do you know them?"
Napatingala ako kung sino ang nagsalita si Kuya lang pala.
"H-Hindi po..."
Tinulungan siya ni Kuya na tumayo at dinala sa kotse niya.
Kinuha ko yung mga gamit niya na nasa daan bago sumunod kela kuya.
Bulag ba ang mga tao dito?
Kitang may binugbog bog wala man lang silang ginawa!
Wala rin naman talaga akong gagawin kung hindi ko kilala si Nerd hehehehe peace.
Binigay ko kay Ate Michelle ang palette niya at kinuha yung medicine kit ni Kuya sa likuran ng backseat.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya pero ngumiti lang ang sinagot niya kahit may sugat siya sa mukha.
Tinanggal ko yung eyeglass niya ng dahan-dahan bago ko binasa ng tubig yung towel at pinunas sa mukha niya.
Tumitingin sa gawi ko si Kuya, nakikita ko siya sa peripheral vision ko.
"Dito nakatira ang lola ko,"
What a coincidence, dito rin nakatira ang parents ko.
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Teen FictionShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...
