REINA JOY
Tumingin ako sa orasan ng relo ko and it's already 5:25 in the morning.
Nandito na din ang lima na bus sa labas ng school at hinihintay na lang nila ang 6:30 para makaalis na.
Kanina pa ako paikot-ikot dito sa waiting shed sa harap ng school habang inaantay ang mga kaklase ko.
On the way na daw si Quintin at si Mara. Si Shannon naman ay naliligo pa habang ang iba ay kakagising lang.
Si Kuya pumunta sa building niya kasi kailangan niya ilista ang sasama ngayong araw.
Trabahong Mayor daw.
"BOO!"
Napatalon ako sa gulat at napatingin sa likuran ko.
"Bwesit ka!"
"Hahahahaha! Ikaw pa ba?"
"May nakita ka bang iba?"
"Meron."
"Huh? Asan?"
Tumingin ako sa tabi ko at dali-daling kinuha yung mga gamit ko at tumabi kay Mara.
"San? WAG KA NAMAN MANAKOT!"
"HAHAHAHAHAHA!"
Ilang segundo, may tumigil na isang mamahaling sasakyan sa harap namin at bumaba dun si Quintin.
"Oh, anyari sa'yo?" tanong ni Quin sa akin nang makita niya ang itsura ko.
"Ito kasing lokong 'to. Tinatakot ako. Ako lang mag-isa kanina tas nung dumating siya, sabi niya may kasama daw ako," nakangusong kwento ko kay Quintin.
Tumingin siya sa paligid at tahimik na tumabi sa akin sa gilid ni Mara.
"Nasaan?"
"Apaka matatakutin niyo! Binibiro ko lang kayo!"
"Nakakatuwa yon? Umpog ko ulo mo dyan sa pader eh!"
Ginulo ni Mara ang buhok ko.
"Chillax lang. Arat 7-eleven?"
Mabilis na nawala ang inis ko sa kanya at ngumiti ng malapad.
"Tara!"
Nilagay muna namin yung mga bagahe namin sa bus at dinala lang yung wallet at cellphone namin. Wala naman talaga akong bibilhin, trip ko lang samahan sila kasi wala naman akong gagawin.
Malayo ng konti ang 7-eleven pero dahil maaga pa at sure ako na naliligo pa yung mga kaklase namin, dito muna kami.
May ibang class na andun at binabati kami so we greet them back.
"Kumuha lang kayo ng mga gusto niyo. My treat," sabi ni Mara.
Kumuha si Quintin ng mga pagkain taga-aisle habang ako ay kumuha lang ng saging at pinasabay yun sa kanila.
My phone vibrates again. Akala ko kung sino yung tumatawag, Si Carlo lang pala.
"Oh?"
[Asan kayooo? Sabi mo dito kayo sa waiting shed?]
Iiyak yarn?
"Nandito kami sa 7-eleven. Sino kasama mo jan?"
[Si Ivan, Eugene at si Orion,]
Narinig ko ang pagsinghot niya habang sinasabi niya yung pangalan nung mga kasama niya.
"Oh. Punta kayo dine, manlilibre daw si Mara."
Nagkatinginan si Mara at Quintin at nag-unahang pumunta sa counter para magbayad.
Ang sasama talaga!
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Novela JuvenilShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...
