REINA JOY
After I got discharge sa hospital, dinala ako ni Kuya sa rooftop ng company ni Dad at nagset-up ng mga balloon at foods and some drinks para daw sa celebration namin.
Sabi niya, maliligo daw kami bukas sa pool at syempre invininvite namin ang Class Zero kasi kung hindi dahil sa suporta nila, hindi ako mananalo.
Kung hindi nila binonggahan yung sigaw nila kagabe, malamang hindi ako mananalo.
My achievement is Class Zero's achievement.
This is all because of them!
"Wear your crown nga ulit?"
Napangiti ako kay Kuya at isinuot ang korona ko.
Syempre cute ang korona ko noh! May trophy din akong nakuha kung saan nakasulat ang pangalan ko pero kinuha yun nila Mommy.
E di-display daw nila sa bahay.
Sayang nga daw kasi hindi ako napicturan nung gabing yun.
I feel sad din but Kuya cheers me up saying that it's okay.
I believe that.
I'm wearing polka dots long sleeves polo and shorts and then Jacket.
Suot ko din yung mga sash ko. Hindi ko alam kung bakit ang rami kong sash siguro nagandahan ko masyado yung performance ko kaya ang rami. Char!
Tinatanong ko sila Carlo kung sino yung nanalo pero hindi nila ako sinasagot, they congratulate me instead.
Kung sino man yong nanalo congrats to her nalang.
Hehehe sabi ni Carlo, si Luiz daw ang nanalong Mr. Nutrition Month at syempre masaya ako para kay Luiz!
He deserves it though!
Ang galing niya kaya rumampa!
Pinicturan ako ni Kuya kaya todo pose ako.
Nilagay niya yung camera niya sa stand at saka tumabi sa akin.
"Okay, smileee!"
Niyakap ko ang bewang ni Kuya at ngumiti ng malapad sa camera. Tumunog ang elevator kaya doon napunta ang atensyon naming dalawa.
Lumabas sa elevator ang Class Zero na may dalang letchon na nasa letchon tray.
"Nag ambag-ambag kami diyan ah! Baka sabihin ng isa dito, wala akong ambag."
Tinapunan ng masamang tingin ni Franco si Dean at umirap.
Maldita talaga.
"Ilagay niyo yan dito," sabi ni Kuya sabay turo yung gitna ng mesa.
"Congratulations~"
May binigay si Quintin sa akin na box at mabilis ko yong tinanggap hanggang nabigla akong nang maglapitan silang lahat sa aming dalawa ni Luiz at may inabot na mga regalo.
"Hindi naman namin birthday, bat may pa regalo?" tanong ni Luiz.
"Oo nga," I seconded.
"Syempre proud kami sa inyo no! at saka first time to," sagot ni Shannon habang binabalance ang regalo niya sa ulo ko.
Ang bigat ng regalo niya puta!
Si Kuya naman panay picture sa amin ng nakangiti.
Kanina pa yan siya nakangiti kakapicture sa amin.
Sinundot ni Carlo ang tagiliran ko kaya nahulog sa sahig yung mga regalo nila para sa akin.
"Ano ba, Carlo!" sigaw ng mga itlog at dinampot ang mga regalo nila.
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Roman pour AdolescentsShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...
