Chapter 18: Moment of silence

75 12 0
                                        

REINA JOY

Buong klase, tahimik lang si Carlo sa gilid ko at parating nakayuko. Hindi din siya sumasagot tuwing tinatawag siya ng instructor namin. Mabuti nalang at to the rescue si Mara. Kusa siyang tumatayo para sagutin yung mga tanong.

"Ms. Fuentes. Please answer what's written in the board." 

Napatayo sa upuan ko nang tawagin ako ni Ma'am precal. Function na naman. Mabuti nalang at nag-aral ako ng konti kagabi kaya feeling ko masasagutan ko 'to.

Kinuha ko yung chalk ni ma'am at sinimulan ng sagutan yung function.

Gumawa pa ako ng checking kasi baka mali yung mga answers ko. Pagkatapos kong sagutan yun, bumalik ako sa upuan ko tas pinag-pagan ang uniform ko.

Si Carlo, ganun pa din, nakayuko siya at mukhang malalim ang iniisip.

"Very good."

"Ren." Napalingon ako sa pinto at nakita ko si Shannon na nakatayo dun at nakakrus ang braso.

"Oh?"

"Pinatawag ka ni Sir Jan sa Grade 12 faculty building." Napatingin si Carlo sa akin kaya nginitian ko siya.

"Okay." Tumayo ako sa upuan ko.

Inayos ko ang buhok ko bago ko sinara ang pinto sa Class Zero at naglakad pababa sa second floor. May klase lahat ng class including High school. Napapatingin sila sa akin at bumati lalo na yung mga nakaupo malapit sa bintana. Binati ko din sila pabalik at naglakad sa ground papuntang west kasi nandun nakadistino ang building ng Grade 12.

Break time ata nila kasi marami akong nakitang mga Grade 12 na nasa ground at naglalaro ng volleyball.

"Hoy shit!"

"Shuta! si Reina Joy."

"Tabi!"

"Anong ginagawa niya dito?"

"God. No lie. Ang ganda niya talaga..."

"Excuse me," tawag ko dun sa lalaking nagbabasa ng libro.

"Y-yes?" namula ang pisngi niya.

"Pwedeng magtanong kung nasan yung faculty dito?" 

Tinuro niya ang pinakahuling pinto kaya nagpasalamat ako sa kanya bago naglakad papunta don sa tinuro niya. Huminga muna ako ng malalim bago ko tinulak ang glass door at pumasok sa loob. 

"Good Morning po,"

"O-oh. You're here, Ms. Fuentes." Sinara ko ang pinto at napahawak ako sa mga kamay ko dahil sa lamig ng faculty room nila.

"Bakit niyo po ako pinatawag?"

"Well, we heard the issue and take a seat." 

Pinaupo niya ako sa upuan na nasa harapan niya kaya umupo ako dun at tumingin sa kanya. 

"We heard complains about your behavior yesterday," he said. I nodded my head. "Gusto ko lang malaman what urge do you have to protect your classmate."

So this is about Carlo.... 

"What you heard about my behavior yesterday is true, sir and kung meron man akong nasaktan sa pananalita ko kahapon, I'm so sorry for that but that's just how I talk especially if I'm protecting someone po," 

"I respected those students at yung professor na kasama nila. Alam niyo naman po siguro ang dahilan kung bakit ako nagalit hindi po ba? They are trying to humiliate my classmate." I turned my hand into fist. Hindi kasi siya nakikinig! Tumitingin lang siya sa paligid at halatang walang pakialam sa sinasabi ko.

Hi FlowerMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon