Chapter 62: She's back

33 6 0
                                        

REINA JOY

"What?"

"Si Ate Keahnna!"

"I know..."

"Huwag mo siyang pupuntahan," 

Kuya nod his head at mukhang naka move-on na kay Ate Keahnna. 

Im glad.

After mag cheat ni ate Keah sa kanya, pati ako galit na din sa kanya at ayoko na rin makita ang pagmumukha niya. 

Minahal siya ng totoo ni Kuya tapos magche-cheat siya? 

Sa friend pa talaga ni Kuya!? 

Piste siya.

Naglakad si Carlo na may dalang plato at baso at saka hinilata sa coffee table. 

"Okay ka lang?" 

Nag-iba kasi yung mukha ni Kuya at parang malungkot siya kaya hinawakan ko ang kamay niya at tumingala sa kanya.

"I'm fine... Sana lang hindi siya mapadpad dito."

"Paano kung pupunta siya dito dahil kay Piercy-"

"Reina Joy..."

"Kuya kasi, ayoko na makita kang malungkot dahil sa kanya. Kung bakit pa kasi siya umuwi! Bwisit siya," I argued.

"I can handle myself."

"Yan din ang sinabi mo dati. Pero anong nangyari? Nahulog ka na naman sa kanya,"

"I said, I can handle myself!"

I clenched my jaw pagkatapos niya ako taasan ng boses at tumingin nalang sa malayo. 

Natatakot lang naman ako sa mangyayari. 

Paano kung kulitin na naman siya ni Ate Keahnna at magkakabalikan na naman sila tapos mangyayari na naman.

Ayoko nang makitang devastated si Kuya. 

Alam ko hanggang ngayon mahal niya pa rin si Ate Keahnna pero ako na ang nagsasabi na hindi sila bagay ni Ate Keahnna. 

Kung papipiliin ako mas gustuhin ko siyang makitang kasama si Ate Michelle.

Kumuha ako ng plato at kumain para hindi na lumaki ang hindi pagkakaintindihan naming dalawa ni Kuya. 

Tahimik lang si Carlo at mukhang nasurprisa siya dahil pinagtaasan ako ni Kuya ng boses kaya nakayoko lang siya habang kumakain. 

Kumuha ako nung niluto nilang noodles at omelette at kumain total gutom na naman ako.

Pagkatapos naming kumain, nagdala si Kuya ng pizza sa coffee table at tanging si Carlo lang ang kumain nun kasi busog na busog ako at naparami ako ng rice dahil maanghang ang noodles.

Ito talaga sakit ko pag maanghang ang noddle e, hindi ko mapigilang hindi mapakain ng marami.

"Kumuha ka na,"

"Busog ako."

Tumingin lang ako sa palabas na pinapanood namin at tumingin sa orasan. 

"Carlo, 8 pm na. Hatid na kita sa inyo." 

Kumuha ng pizza si Carlo bago siya tumayo at kinuha ang bag niya, sumunod naman ako sa kanya at sinuot ang tsinelas ko.

"Okay lang ba kayo ng kuya mo?"

"Ewan ko don."

Lumabas na kami ng bahay at nagsimula ng maglakad. Malayo layo ang bahay nila Carlo kung lalakarin pero ayos lang kasi ayoko na muna makausap si Kuya ngayon. 

Hi FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon