REINA JOY
"Ano ba Kuya!"
Kanina pa niya ako binubulungan na
'Kabahan ka na ako ang kalaban mo'
'Hindi ka mananalo, ako ang mananalo'
Tas tatawa ng malakas.
"Hahahahahaha!"
Ta niyo na! Tumatawa na naman! Baliw talaga
Tiningnan ko siya ng masama at saka binalik ang apron sa leeg ko at kinurot ang beywang niya.
"Ouch!"
"Ouch mo yang mukha mo."
"Why so mad?"
Tiningnan ko ulit siya ng masama.
"Eh kung tripan kaya kita? Pucha kinakabahan na nga ako nantri-trip ka pa,"
Ngumisi siya ng malapad at saka ginulo ang buhok ko.
"Chill lang naman, I'm tripping on you kasi kanina ka pa nanginginig. Just making you less nervous ya know."
Lumingon ako sa gawi niya at umirap.
Piningot niya ang labi ko kaya tiningnan ko na naman siya ng masama.
"Hahahahahahahaha!"
Nasa pinaka-unahan ako, habang si Kuya andun sa likuran ko. Marami kasi ang department ng college, occupied na sa first line kaya nagkaroon ng second line. Mabuti nga una ako sa linya kasi baka mauna ako matapos.
May pumasok na chef at nakipag kamay sa amin. Sabi niya kilala niya ako so I told him na wag sana siya maging bias at pumili ng deserving.
Ang pangit naman kasi kung pipiliin niya yung putahi ko dahil lang kilala niya ako and he also said na kilala daw niya si Quintin at proud din siya sa narating ng school dahil sa amin. I thank him for that.
"So let's start?" nakangiting tanong nito.
Ipinasok nung coordinator yung kamay niya dun sa box at ini halo-halo yung mga papel don.
"Class Zero?"
Huminga ako ng malalim bago ako lumapit sa coordinator at ngumiti.
"Ginataang Gulay."
Lagot...
Hindi ako kumakain niyaaan.
Paano ko malalaman paano yan lutuin? Ni hindi ko nga alam lasa— teka, ano ba ulam namin kaninang umaga? munggo yon eh.
Paano kung ganun pala lutuin ang Ginataang Gulay?
Bumalik ako sa pwesto at heto na naman po ang aking poging konsensya na nasa likuran kumakanta,
"Fried the onion and garlic then the veggies then pour the gata. The taste is a bit salty. You should cook the kabalasa well—"
Pakanta niyang bulong.
Nakuha ni Kuya ang Arroz Caldo. Syempre si Kuya pa ba e alam na alam niya yan kaya chill na chill yung loko.
Marami ang nanunuod sa amin kasi 10 am na at tapos ang slogan at poster.
Hinanap ng mata ko ang Class Zero na nakatayo sa pinaka likuran, nakangiti habang nakatingin sa gawi namin at may hawak-hawak pang illustration kung saan may nakasulat na,
GO, CLASS ZERO
Mind you, nakalettering pa yun ah!
Kuya's department are here too, nasa gilid niya at nagche-cheer para sa kanya pero wala yong epek sa lolo niyo.
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Teen FictionShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...
