Chapter 92: Heavy shoulders

26 2 0
                                        

REINA JOY

"Aray!" 

Nilagay ni Mr. Vice ang kamay niya sa noo ko dahil doon nahulog ang baton na tinapon ko sa ere.

"You look bothered, okay ka lang?" 

Tumingala ako kay Mr. Vice at umiling. 

Hindi ko alam kung okay ba ako. 

Siguro hindi dahil masakit yung pagtama ng baton sa noo ko or dahil sa ginagawa ng Class Zero sa akin.

"Hindi ko alam..."

"Why are you crying?" 

Naramdaman ko ang braso ni Mr. Vice na pumalibot sa katawan ko at hinimas ang likuran para patahanin ako. 

"Masakit ba?" he asked.

I nodded my head. 

Sobra.

"Sir Erol, can she take a rest first?"

"Why?"

"She hurt her forehead again at mukhang malakas ang pagtama non sa kaniya."

"Okay then, anong oras na rin naman. Bukas na lang ulit."

"Yes, Sir."

Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan si Mr. Vice na himasin ang basa kong likod dahil sa pawis. 

Pinagsasabihan niya yung mga estudyante na lumabas na ng field dahil anong oras na and his busyness didn't stop him from comforting me.

We stayed standing for a long time and I never heard him complain about it. 

He just keeps on caressing my hair down to my back.

"Is it done?" 

Napa-angat ako ng tingin at mabilis na pinunasan ang mga luha sa mata at pisngi ko.

"I—yes," sagot ni Mr. Vice kay Kuya. 

Tumingala ako kay Mr. Vice at ngumiti bago ko hinawakan ng mahigpit ang baton ko.

Ayokong makita ako ni Kuya na umiiyak. 

"Okay then, Let's go na? It's getting dark." 

Kinuha ni Kuya ang bag ko at ang iba kong gamit at naunang maglakad palabas ng field.

Sumunod ako kay Kuya at lumingon kay Mr. Vice na naiwang mag-isang nakatayo sa field. 

"Thank you," I mouthed at him. 

He smiles at me nodding his head.  


***

NESTOR

Another morning, another struggle. 

Kung alam kong ganito pala kahirap na hindi pansinin si Reina Joy, hindi na ako pumayag sa planong 'to. 

Lumabang ako sa bahay nila at nakikita ko si Reina Joy na nakikipag-away sa Kuya niya.

Iniliko ko ang motor ko para hindi ko siya makita at dumiretso sa ibang daan kung nasan ang bahay ni Mathrica. 

Inutusan ako ni Quintin na isabay siya sa akin. 

I said no at first pero wala na akong nagawa kasi siya ang boss.

Hindi ko alam kung ano ang plano nila kay Reina Joy pero isang rason lang ang alam ko at para 'to sa kaligtasan ni Reina Joy. 

Hininto ko ang motor ko sa harapan ng gate nila at hinintay siyang lumabas. 

Hi FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon