REINA JOY
"Saan ka galing?"
Eh?
"Nag KTV? Diba nagsabi ako sa'yo?"
Pinagkrus ni Kuya ang braso niya at tiningnan ako ng masama.
"Char lang. Halika na! apaka tagal mo umuwi."
Ngumuso ako at nilock yung gate bago sumunod sa kanya sa loob.
Kinabahan ako dun ah! akala ko talaga galit siya or hindi niya nareceive yung text at makakareceive ako ng palo galing sa kanya aish!
"Kumain ka na ba? Nag-iwan ako ng liempo sa mesa."
"Hindi pa eh."
Tumango si Kuya at sinarado ang pinto ng bahay.
Dumiretso ako sa kwarto ko para makapagbihis at mag half bath bago kumain.
Bumaba na ako at ayon si Kuya nanunuod ng The Quiet Place II habang kumakain ng lechon manok??
"Hala! Pengeee!"
"Oh! May liempo ka na sa mesa,"
Ngumuso ako at kumuha ng kanin at saka nilagay lahat ng liempo sa plato ko at tumabi kay kuya sa couch.
"So, kamusta ang eskwela mo?" tanong niya habang kumakagat ng chicken legs.
Ustue ko rin nuun!
Kumain ako ng dahan-dahan at tumingin kay kuya habang nginunguya ko ang liempo ako.
"Maayos naman...." sagot ko habang nakatitig sa hawak niyang manok.
"Oh, ba't ang lungkot ng boses mo?"
"E KASI! HINDI MO AKO BINIBIGYAN NG MANOK!"
"HAHAHAHAHAHA!"
Animal talaga tong lalaking to.
Mabilaukan sana siya
***
Tumingin ako sa gawi nila Shannon at kinagat ang dila ko pagkatapos kong kantahin ang O.M.O at inantay ang reaksyon nila.
Nakatitig lang kasi sila sa akin at hindi ko alam kung anong klaseng titig yan, titig ng masaya ba o titig ng proud o disappointment? Titig na dismaya?
"Told you! Her voice will fit that song."
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Novela JuvenilShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...
