REINA JOY
"I thought you are absent again. Ms. Fuentes," sabi ni Sir.
Ngumiti lang ako at saka ibinaba ang kamay ko bago ko binuklat ang notebook ko sa MMW.
Sinusubukan kong hindi makatulog sa klase ni Sir pero sadyang malakas ang tama nung mga ininom kong gamot kaya nakatulog ako the entire class.
Nagising lang ako kasi vumibrate ang cellphone ko and surprise.
All eyes on me.
"Sorry, po," sabi ko kay Ma'am PR na nakatingin sa akin.
"It's okay, Alam kong pagod ka,"
Nakangiting sagot ni Ma'am at nagpatuloy sa pagtuturo.
Napabuntong-hininga ako at pinikit ang mga mata ko bago ko minasahe ang sentido ko.
Sumasakit na naman na para bang may uod don na naghuhukay?
Basta ang sakit na kahit paubos ko na yung juice na ginawa ni Kuya, hindi pa rin nawawala yung sakit.
Nagsimula nang mag groupings si Ma'am PR para sa research namin so I raise my hand again.
"Yes, Ms. Fuentes?" tanong ni Ma'am habang hawak-hawak ang class record niya.
"Can I do it alone?"
"Are you sure? Mahirap 'to."
"I'm sure po."
Kahit hindi naman talaga.
Tumingin muna si Ma'am PR sa akin bago tumango at binura ang pangalan ko sa grupo nila Ivan.
"Nandito ba si Ms. Fuentes?"
Napatingin kami sa pinto and it's Ma'am Precal.
"Yes, Ma'am," sagot ko at tumayo sa upuan ko.
Hinawakan ko ng mahigpit ang mesa para hindi ako ma outbalance.
"Come to my office."
Napakagat ako sa labi ko dahil sa sinabi ni Ma'am at iniwan ang notebook at ballpen ko sa mesa ko.
Don na ako sa backdoor lumabas kasi ayoko ng pinagtitinginan nila ako.
Hinintay naman ako ni Ma'am sa pinakaunang pinto at nagsimula ng maglakad.
Sumunod ako sa kanya at hinihilot ang gitna ng thumb at forefinger ko para hindi ako manghina.
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Novela JuvenilShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...
