REINA JOY
After me and Luiz walk at the stage, not later than that, dumating yung ibang mga contestants kasama yung mga mentor nila and then we start our practice at the stage.
Syempre yung mga arrangement is naiiba. Like sa first stage una ang Senior High tapos sa Uniform stage naman nauna ang Senior High ulit tapos sa Trendy attire, ang College.
Medyo magulo ang ginawa ng mentor that's why it took 6 hours for our practice to be done.
Si Kuya ang sumundo sa amin, sabi niya nakatulog daw ako sa biyahe.
Ikaw ba naman antay dun sa backstage at hindi ka pa nga nakakalabas, uulit na naman kasi from the top daw.
Nakakapagod kaya.
"Kuya...Inaantok ako," I whined.
"Matulog ka muna, gigisingin nalang kita," kuya said.
Tumango ako at humiga sa couch.
Kinuha ko yung damit ni Kuya na nasa ulohan ko at saka 'yon tinakip sa mukha para walang makakita sa akin na natutulog.
I slept for 2 hours i guess nung gisingin ako ni Kuya. Tinawanan pa ako ni Franco at Dean kasi halata daw na nakulangan ako sa tulog kasi nakapikit pa ako habang kinakausap si Kuya.
Si Luiz where? ayun tinatry yung suit niya at pinapa-adjust kay Carlo yung mantel.
"Try mo muna 'to."
Umupo siya sa tabi ko at kinuha yung damit niya na nasa dibdib ko at saka iyon binalik sa couch. Siya rin yung nagtali ng buhok ko kasi napunta lahat ng yun sa mukha ko.
Hinubad ko yung heels at nilagay sa ilalim ng couch.
Unang tumayo si Kuya kaya tumayo na rin ako. Dala-dala niya yung gown papunta sa CR kasi dun ko daw yun ita-try kasi nandito sila at alangan naman daw maghubad ako sa harapan nila?
Syempre CR no.
"Masikip ba?" tanong ni Kuya.
"Yung dito sa balikat... ng konti. "
Tumango si Kuya at nanghingi ng gunting kay Dean pero syempre dun parin sila sa sala naghihintay.
Hindi na filipiniana yung ginawa niya... Maria Clara na. Ang main gown is kulay white tas silky yung tela, sakto din na yung nabili niyang mantel ay kulay white na may gulay-gulay tsaka prutas. Yun yung mantel na nakawrap sa balikat ko and there's no need for me to hold it to stay still kasi nakatahi na yung mantel sa main gown.
Kuya is not kuya kung hindi corset yung likuran ko. As with the front, naka knot ang dalawang dulo ng mantel.
Yung sa drop waist ay super ganda. Yung sa gitnang parte ay yung silk tapos yung both sides ay yung mantel and with the back, it's layered with silk and mantel so every time I turn, sasama yung dalawa.
Yung mantel na nabili nila is makapal so I don't really worry about it.
"What do you like? Guntingan natin dito para makita ang legs mo pag naglalakad ka or hindi na?" tanong niya sa akin.
Napatingin din ako sa binti ko at tumango.
"Siguro, huwag na. Maganda naman na eh,"
"Okay."
Binalik ni Kuya yung gunting kay Dean at bumalik sa akin.
"Can you try to walk?" tanong ni Kuya at pinakuha sa maid yung heels ko sa kwarto.
Yung favorite kong White Bead Leather Pagent Heels.
"Ito po sir."
Hindi nag-thank you si Kuya at kinuha yung sandal sa katulong niya.
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Novela JuvenilShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...
