REINA JOY
"Si Reina Joy? Andito?"
Naitaas ko ang mukha ko nang may biglang naghanap sa akin.
Tumingin ako sa likuran ko at nginitian ang mga estudyante na naghahanap sa akin.
"You guys are?" tanong ni Ma'am PR.
Hindi pa kasi kami tapos sa reporting namin.
Hindi pa nga ako nakakapagsimula e, magsisimula na dapat ako tapos may biglang dumisturbo.
SKL.
Nastress ako kagabi dahil sa pina-gawa niyang report.
Mabuti na lang at may link ang pakner ko kaya nagawan ko ng paraan na isummarize yung report. Hehehe
"Hinanap siya ni Sir Erol."
Tumingin ako sa gawi nila Carlo at tinggal ang flashdrive ko sa computer pero syempre andun pa rin sa TV yung report namin.
"Mukhang practice mo na, Ren," sabi ni Carlo na kakatapos lang magsulat.
Practice saan?
Pumasok ang isang estudyante at binigyan ako ng baton.
Ahhh! Alam ko na practice para sa marching band.
"Excused ka na. Go na," sabi ni Ma'am PR at nag thumbs up sa akin.
Binigay ko kay Carlo ang flash drive ko at kinuha ang cellphone ko bago sumunod don sa mga estudyanteng sumundo sa akin.
"OMG! Siya ang band mother?"
"Girl! kurutin mo nga ako— ARAY! Masakit"
"Sabi mo kurutin kita?"
Kinagat ko ang hawakan ng baton habang tinatali ko ang buhok ko into high ponytail baka kasi makadisturbo to sa akin mamayang practice.
"DIBA SABI KO SA INYO EH! MAY RASON BAKIT HINDI SIYA YUNG SA PAGEANT!!"
"Nuod tayo mamaya!"
"Sigeee,"
Nginitian ko ang Class Four na nag chichikahan na nakaupo malapit sa bintana bago ko sinundan yung mga estudyante.
Dumiretso kami sa field at muntikan ko pang mabangga ang mga Grade 12 na nag practice sa daan kasi humihinto sila para tingnan ako.
Geez.
First time ba nila makakita ng band mother na magpa practice?
Mainit na field ang sumalubong sa amin kaya tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko at tumingin dun sa lalaking nakakrus ang braso.
"Good Morning po."
Yumuko ako bago tumingala sa kanya.
"You must be?"
"She's the new band mother, sir. Kaka Graduate lang nung dati so we need to find a new one," singit ni Mr. Vice.
"Hmm... mas may appeal siya kesa dun sa una. By the way, can you tell those students to go back to their classes? Baka maka-disturbo pa sila sa amin," strektong sabi nung trainor.
Lumingon rin ako sa likuran ko at napangiti kasi nagtutulakan yung mga estudyante papasok sa field.
Tumango si Mr. Vice at tumakbo papunta don sa gate para makausap yung mga estudyante.
"So, let's start? Can you twirl the baton for me?"
Nagtungo kami don sa may malaking puno para hindi mainitan. Hinawakan ko naman yung baton and again,
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Teen FictionShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...
