Chapter 31: First-ever Fieldtrip (3)

51 9 0
                                        

REINA JOY

Nandito kami ngayon sa ginawa naming tent. 

Syempre kasama ko sila Carlo, Franco at Dean. 

Sa gilid ng tent namin ay yung tent ng mga bossing nila tas yung ng kela Shannon ay tent nung iba pero ngayon, nandito kaming lahat sa tent namin kasi pinapanuod nila yung video na kuha ko kanina.

Nagtatawanan sila kasi nasasapawan yung boses nila sa mga tili ng mga estudyante. 

Sino ba naman kasi ang hindi mapapatili o mapapatawa? Kami lang yung class na may ganon! 

Yung iba kasi sineryoso masyado yung performance kaya nung lumabas ang Class Zero na nakacross-dress, nagsisigawan na sila.

Who would even though they'll pull out something like cross-dressing though? 

Hands down to Ivan's creativity and wide imagination. lol

Akap-akap ko ang hello kitty ko at si Quintin sa tabi ko tinatawanan ang sarili niya.

Sila Eugene, Henry, Jasper at Luiz ay nagsa-sayawan sa labas dahil nagpa-music yung Class Three ng Hagibis sa Bluetooth speaker nila.

Yun ang narinig ko galing sa labas kaso namatay na yung music. 

Dumating kasi si Madame at pinagsabihan ang Class Three na avoid music daw because it's already late. 

11 pm na po kaya! 

10 pm natapos ang program namin since tig-limang Class ang Grade 12.

Sinilip kami ni Madame sa tent at sinabihan na mag-si-balik na sa tent. 

Nagdabog yung mga loko habang nililigpit yung mga gamit nila.

"Ano ba yan! Di pa tapos ihhh" Pagdadabog ni Mara at sumunod kela Quintin palabas ng tent namin.

"Choo naa! shoo shoo!" Tinaasan ko ng kilay si Carlo.

Wow, makashoo tong lalaking to kala mo kanina hindi pumasok sa tent nila para humingi ng pagkain.

"Ayb!" Aakma susuntukin ni Gino si Carlo pero mabilis na nagtago si Carlo sa likod ko.

"Ren oh! Si Gino!" 

Tiningnan ko si Gino and he smiled at me as he left our tent.

"Hehehehehe"

Inayos ni Franco ang foam namin at yung mga unan rin. 

Pumasok na si Dean at ayon silang dalawa, nagka iwasan ng tingin.

Pina-gitnaan namin silang dalawa ni Carlo. 

Isa pa tong lalaking 'to! Ayaw mahiwalay sa akin!

"Inaantok na akoooo." 

Humiga si Carlo sa pwesto niya at since hindi pa ako naghihilamos, at nagbihis, pumunta muna ako sa maleta ko at kinuha yung essentials ko.

"Ah-ano ka, Ren?" tanong ni Franco sa akin na nag-ce-cellphone sa pwesto niya.

"Magbibihis ako hehehe"

"Samahan na kita, magbibihis din ako eh" sabi ni Dean at gumapang papunta sa maleta niya.

"Wow! Ang sabihin mo lang, gusto mong makita ang crush mo"

"Ha! Ano naman yun sa'yo?" 

At heto pa naman po, nag-aaway na naman sila.

Nag-aaway sila habang kinukuha yung mga damit nila at heto kaming apat ngayon naglalakad papunta sa malaking poso. 

Hi FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon