CARLO
"Sure ka ba na ito ang susuotin mo?" tanong ni Kuyang Joseph.
"Oo nga! Ang gara nung iba tas sa'yo ito lang? crop top tas jeans na maluwag sa dulo?- Arayyy huhuhu"
Napahawak ako sa ulo ko pagkatapos niya akong batukan.
"It's a Zara ruched ribbed top Carlo."
"Mag he-heels ka pa rin?" tanong ko.
Tumango si Ren-Ren at kukunin na sana yung heels niya pero pinigilan siya ni Ate Michelle.
"Wait."
Lumapit si Ate Michelle kay Ren-Ren para e retouch yung mukha niya since tapos na siya kay, Luiz.
Yung parents ni Luiz ang nag provide ng susuotin niya at sa pagkakaalam ko ang suot niya ay Himalayas Tie Dyed T-shirt, Belted Distressed Denim Jeans then LV Low Trainer Sneakers.
Ang pogi niya tuloy tingnan ngayon.
Pinalabas kami ni Ate Michelle kasi tapos na daw kami don at maghihintay nalang daw kami sa bleacher, sila Bossing din ay tapos na ilagay sa backstage nila Ren-Ren yung mannequin kung nasaan yung gown nila at suits at syempre nandon si Paulo para bantayan yon habang wala pa yung part na yon.
Baka kasi may gumalaw at masira magkakaroon pa ng problema.
Bumalik na ako sa bleacher— eto na naman si Kuyang Joseph, tinatago niya yung mukha niya sa banner tuwing dadaan yung Dean.
"Thank you, JMU Crew! Please give them a round of applause!"
Nagsipalagpak lahat at tumingin na naman sa stage.
"Pagkain ustue niyo?" tanong ni Bossing Quintin at nilabas ang jollibing in order niya kanina.
Bilangin niyo ilang take out box yun? Nasa thirty lang naman po! Hindi na ako mabibigla kung bakit ganyan karami kasi ang yaman nila no.
Marami yang pera.
Physicianang nanay niya tas Surgeon ang tatay niya.
Meron din siyang Kuya pero yung kuya ni Quintin ay nasa North Carolina. Pero minsan kasama niya yung bunso nila na cutie rin at turning 16 next year.
Pinapapunta niya kami don minsan para mag snack-snack at mag bonding. Pumupunta naman kami kasi siya lang mag-isa dun at boring kaya yun!
"Akin yaan!"
"Hoy! Ako nauna ano ba, Dean!"
"Ako unang nakahawak!"
Tiningnan ng masama ni Franco si Dean kaya kumuha ako sa ilalim ng kamay nilang dalawa.
Baka mabatukan na naman ako pag kinuha ko yung pinag-aagawan nila.
"Shuush! It's starting"
Binigay nalang ni Franco yung pagkain kay Dean at kumuha ng ibang box.
Kumuha na rin yung iba at ako din kumuha para kay Kuyang Joseph kasi hawak-hawak niya parin yung banner.
Ayaw niya bitawan eh.
Ang supportive ni Kuyang Joseph kay Ren-Ren.
Yung mapapasanaol ka talaga dahil super rare makakita ng isang kuyang supportive sa kapatid tapos super close pa nilang dalawa. Hays
Nagpatugtog si Mr. Vice ng Bola Rebola at saka nang silabas na ang mga candidates at napuno ulit ng sigawan ang dome dahil don.
Kanya-kanyang sigaw ng yell para ma impress yung judges.
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Novela JuvenilShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...
