Chapter 34: Misunderstanding

42 10 0
                                    

REINA JOY

"Nakamention na ba kayo?" tanong ni Shannon na kababalik lang galing sa CR.

It's already 8 pm at kakatapos lang namin mag dinner. 

Nasa isang tent kami ngayon at si Jasper yung gumagamit sa laptop ni Quintin para daw mabalahan niya ng mention yung post. 

Isa-isa din naming gamit ang cellphone namin para mag mention.

Nakihotspot ako kay Eugene kasi malakas signal ng kanya. Sila mom and dad ay mini mention yung mga kaibigan nilang businessman at si kuya naman mi-nention yung mga naging kaklase niya sa San Martin.

"Bakit ang bilis na reach ni Theo yung kay Ren-Ren?" tanong ni Ken habang nakatingin sa cellphone niya. 

Nireload ko ang page at doon ko nakita ang ibig niyang sabihin. 25k na yung kanya habang nasa 22k pa akin.

"Maybe she's cheating?" ika ni Luiz.

Chill lang siya kasi sa lahat ng male contestants yung kanya ang may pinakamaraming reacts at syempre masaya ako para sa kanya no! Ang pogi niya naman kasi don! Nag mention din sila Mom, Dad, at Kuya doon kaya mas nada-dagdagan yung reacts ng kanya.

Tumingin ulit ako sa cellphone ko at napabuntong-hininga.

"You have the power to react! Pls do like our page also, for another future set of activities .. 25% of the final score will be from the Facebook Reaction to help our lovely ladies to win the 'FAME HOLDER AWARD and MR AND MS PHOTOGENIC' — Reina Joy L. Fuentes, Class Zero." 

Sabi dun sa post kong naka uniform at naka trendy attire.

"I don't get it. Naka 26k na siya in just 1 minute!" 

Napatingin kami kay Jasper.

"Baka marami ang may gusto sa picture niya?" I said. 

May possibility kasi na baka mas gusto ng mga tao ang picture niya kesa sa akin.

 Wala namang dapat ikakagalit dun. 

The power is to with us but with the netizens.

Umiling si Jasper. "No, mas marami ang comments ng sa'yo kesa sa kanya," he said. 

Syempre mas marami talaga yung akin kasi nagmemention sila ng mga ka kilala nila.

In open ko yung post ng school para kay Theo at nasa hundred pa lang yung comment niya or mention tas yung sa akin ay umabot na ng 2.5k halo-halo na yan. 

May mga nag mention, meron ding nag-complement. Still. There's a possibility na mas approve ng mga tao ang kanya kesa sa akin. 

I shouldn't be mad. 

Maganda naman talaga yung pictures niya.

"ATTENTION STUDENTS!" 

Napatigil kami sa ginagawa namin dahil sa megaphone.

Binuksan ni Shannon yung tent namin at lumabas. Sumunod sa kanya si Mara. 

Lumabas  kami at mabilis na napalitan ng ngiti ang mga mukha namin nang makakita namin ng malaking camp fire sa gitna ng field.

"Camp Fire!" sigaw ng mga estudyante. 

Tumingin ako kay Carlo at hinawakan ang kamay niya at saka kami nagta-talon sa tuwa.

***

"Ayusin mo naman."

"Inaayos na oh, Di pa ba yan ayos sa'yo?"

"Nagiging itim oh. Ilapit mo sa apoy."

"Kung gusto mo mapaig yang hotdog mo, ikaw magluto!" 

Binigay ni Franco yung isang stick kay Dean kaya natawa ako. 

Hi FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon