REINA JOY
"Kung ano man ang sinabi niya, wag mo na yun isipin. Nandito kami, ang Class Zero para sa'yo,"
Ngumiti ako kay Luiz at napabuntong-hininga.
Binigay ko nalang ang cellphone ko sa kanya at sinabi na kung tumawag ulit si Quintin ay okay lang kung sagotin niya.
Class Three na ang nagpipictorial ngayon kaya naman pinatayo ako ni Michelle at pinagpagan yung blazer ko.
Inayos niya rin yung skirt ko at yung blouse na napasailalim ng blazer.
"Ang ganda niyo po talaga at hindi ako makapaniwala na ako yung nag mamake-up sa inyo ngayon!"
"Parang panaginip?" dag-dag ko sa sinabi niya.
Tumango naman siya kaagad.
"Dream come true talaga! Parang nung nakaraan lang, pangarap kong maging makeup artist niyo at ngayon, natupad na siya," I smiled.
"You're welcome?" natawa si Michelle.
Pati si Luiz at Ms. President ay natawa sa sinagot ko kay Michelle.
Hindi nila ako masisisi! Wala akong maisip na sagot eh!
"Class Two, please ready," sabi ni Mr. Vice.
"Oh right, Reina Joy. Pwede mo ba munang takpan yang blackening mo— i mean yung ano niyo sa kamay?"
Nagkatinginan kami ni Luiz bago tumango.
"No probs!"
Si Michelle ang tumakip sa mga blackening na nasa kamay namin ni Luiz. Natatawa pa nga eh kung sino daw ang nakaisip na pwedeng gawing temporary tattoo yung blackening.
Sabay naman naming sinabi na yung kaklase namin ang may gawa nun at may pasimuno non.
Ang creative daw kasi!
Si Orion at Gino ang nakaisip so Creative sila.
Totoo talaga.
Gino pa lang eh!
Napaka-creative ni Gino, marunong nga yun magdrawing!
"Lagyan mo din siya ng ganto, Ate Michelle." Tinuro ni Luiz yung strands ng buhok niya na ginawa niyang parang bangs.
"Tingnan natin," sabi ni Michelle at kinuha yung suklay niya na may matulis sa dulo.
Kumuha siya ng strands sa buhok ko atsaka niya yun kinulot.
"Ganda nga no?" natatawa na tanong ni Michelle.
"Maganda naman kasi si Ren-Ren kaya kahit anong hairstyle, bagay sa kanya."
"Bigat ng compliment mo ah! Di ko keri," he laughs which makes me laugh as well.
"Pikit ka muna, Ren."
Pinikit ko ang mga mata ko.
Nilagay ni Michelle yung kamay niya sa mukha ko at may inispray sa buhok ko. Then, tumungo siya sa harapan ko at pinatayo yung kamay niya.
"Wag buksan ang mata ah?" I nodded my head.
Inispray niya sa akin yung setting spray niya para mag set yung make-up ko.
"Ayan, tapos na," she said.
Sunod siyang tumungo kay Luiz at katulad ng pinagawa niya sakin, pinapikit niya rin si Luiz para mag set 'yong makeup.
"Ayan, okay na kayong dalawa."
Pinag-clasps niya yung kamay niya bago kami nginitian.
"Class Two?" Tumingin kami sa kapit-bahay namin which is Class Two.
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Teen FictionShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...
