Chapter 10: Tattooed Anger

91 11 0
                                        

REINA JOY

Kakatapos lang namin mag take ng lunch at nandito pa rin kami ngayon sa canteen. 

Today's Mara's treat dahil pumasok ako kahit masakit ang paa ko. May binili si Mara na snacks kaya sinimulan namin yung kainin. 

Si Carlo busy sa pagkukwento kung ano ang ginawa niya kahapon and I just tilts my head at him smiling.

"AHHHH!!" 

Namintig ang tenga ko nang biglang magsigawan ang mga estudyante sa cafeteria.

"Anong meron?" tanong ni Paulo kagat-kagat ang stick ng pinipig niya.

"Ewan...." sagot nila Angelo.

We turned our head at the entrance of the cafeteria and I dropped my utensils nang makita ko si Gino.

Napatayo ako sa inuupuan ko at paika-ikang tumakbo papunta kay Gino. 

May mga pasa siya sa mukha at putok din ang labi niya pero ang mas nakapakaba sa'kin ay ang saksak ng kutsilyo sa tyan niya. 

Sinalo ko siya sa may dibdib ko at hindi napigilan ang pagsigaw. "Gino!" 

"Ano ang nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong ko kay Gino pero binagsak lang niya ang ulo niya sa dibdib ko at ipinikit ang mga mata niya. 

"GINO!!"

Nagtakbuhan ang mga estudyante palapit sa amin para makiusyoso.

"LET US THROUGH!" sigaw ng Class Zero. 

Nahati sa gitna ang mga estudyante at pinadaan ang Class Zero para lapitan kami ni Gino.

"WHO THE HELL DID THIS TO YOU!?" Shannon asked gritting his teeth.

Ini-angat ko ang tingin ko kay Quintin at Shannon. "Da-Dalhin natin siya sa clinic...."

Binuhat ni Eugene at Orion si Gino at tumakbo papunta sa Clinic na gilid ng Main Building.

"Your clothes." Tumingin ako kay Mara bago ko napatingin sa uniform ko.

"Okay lang ako-"

"Reina Joy!" sigaw ni Quintin sa di kalayuan.

Hinawakan ko ang braso ni Mara at saka kami sabay na lumakad papunta kela Shannon. 

"Careful..." sabi ni Mara sa akin habang inaalalayan niya ako sa paglalakad.

***

"Kamusta na po sya?" tanong ko kay Nurse.

"Okay na siya, kailangan lang niya magpahinga. Mabuti na lang at dinala niyo siya kaagad dito kaya konting dugo lang ang nawala sa kanya." Tumango kami kay Nurse at hinayaan siyang lumabas sa ward ni Gino.

"Who do you think?"

Hindi ko pinakinggan ang usapan nila Quintin at pumasok ulit sa ward ni Gino. 

Napabuntong-hininga ako at inayos ang kumot niya. May bandage sa tiyan niya at may mga band-aid din siya sa mukha. 

Sinong siraulo ang gagawa nito sa kanya. Napakawalang puso.

"Ren?"

Napatingin ako sa may kurtina at nginitian si Mara at hinayaan siyang tumabi sa'kin. 

"May lead na kami kung sino ang gumawa nito," he opened up.

"Sino?"

"Ang grupo ng kuya mo." What the hell? Bakit naman nasali si kuya.

"Umalis sila Shannon kasi plano nilang komprontahin sila Joseph. They asked me na dito lang ako para may kasama ka." Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa sinabi ni Mara at binalik ang tingin kay Gino.

Hi FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon