Chapter 32: First-ever Fieldtrip(4)

45 10 0
                                        

REINA JOY

Pagkatapos namin kumain, dumiretso kami sa field kasi sabi ni Mr. Vice, nandon na daw naghihintay ang instructor namin at dapat daw kami maging ready. 

We wear our sneakers and PE, binigyan din ako at si Quintin ni Mr. Vice ng mineral water bago siya lumihis ng daan.

"Good Morning, students of JM University! For now, I would like to watch the officers of each class on how they play hurdles," sabi nung instructor namin.

"So, Class One?" 

Tumayo ang mga officers sa Class na yon at pumunta sa harapan.

"Lovely, Class Two?" 

Tumayo ang mga officers nila at pumunta sa harapan. 

Sunod na tinawag ang Class Three at sabi nila, wala daw silang officers pero may dalawang nag-volunteer.

Sa Class Four din, wala silang officers at volunteers lang. 

Sa Class Zero, Si Shannon, Quintin, Orion at Mara ang pumunta. 

Pinagtulakan nila ako pero ayokong sumali kasi gusto kong manood sa kanila at saka hindi ako marunong diyan no.

Pati ang mga SSG members ay walang takas.

Yung Grade 12 din nadun at ngayon ko lang na realize na Grade 12 na pala tong mga members ng SSG. 

Akala ko Grade 11 pa sila.

"Kanina ka pa tinitingnan ni Theophany," bulong ni Jasper sa akin tinali ko ang buhok ko bago tumingin sa direksyon ni Theo.

Ang creepy niya! 

Nakatitig lang siya sa akin at parang anytime sasabog siya dahil sa galit or sa ano ba! 

Hindi ko alam. 

Umiwas siya ng tingin kaya tumingin ulit ako sa gawi ni Jasper at ngumiti ng tipid. 

"Pabayaan mo na,"

"Pati kahapon. Napapansin ko, tinititigan ka niya. Kayong dalawa ni Carlo tuwing nagtatawanan kayo and believe me or not, nakita ko siyang nagsisindi sa likod ng tent niyo. Mabuti na lang at naabutan ko bago lumaki ang apoy pero yun nga lang, nagkaroon ng butas."

"Kaya pala sobrang lamig buong gabi...."

"Gusto mo ba na sundan ko siya?"

"Huwag. Masyadong delikado."

"Nakita ko din siya na may kausap kagabi. Around 2 am. Sa madilim na parte dun sa may poso." 

Tumingin ako kay Jasper ng nakakunot-noo.

"Sino?"

"I didn't see him well pero sure ako na isa ang lalaki kung ba-basehan sa korte ng katawan niya."

"OKAY! STUDENTS, READY?" 

Napatigil kami sa pag-uusap ni Jasper dahil biglang sumigaw yung instructor namin at may hawak na toy gun. 

Nag-ready silang lahat pero yung utak ko ay nandun pa rin kay Theo.

Hinanap ko ang cellphone ko sa Jacket ko para sana mag-video pero hindi ko yun mahanap. 

Hala! San na yon! 

Sure ako na dinala ko yun eh, or nasa tent lang? Or cafeteria? Pero hindi naman ako naglabas ng phone sa cafeteria.

"Shit."

"What's wrong?"

"Yung cellphone ko.....nawawala."

Hi FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon