REINA JOY
I celebrated my LNK without Kuya, naiinis parin ako sa ginawa niya, at mukha namang wala naman siyang paki-alam don.
He is spending his LNK with Dexter and Keahnnang haliparot so I spend mine with Class Zero.
Mukhang napansin nila yung cold war namin ni Kuya pero walang nagtangkang magtanong, siguro dahil alam nilang hindi ko sila sasagutin? Ewan ko.
"Dito tayo, Ren."
"Pagod ako, Carlo,"
Napanguso si Carlo sa sinagot ko kaya ngumiti ako.
"Sige na nga, last na yan," sabi ko sa kanya at saka kami pumasok lahat sa photobooth.
Nasa tabi ko si Quintin so nakipag-palit ako ng upuan kay Carlo at ngayon ay katabi ko na si Eugene.
Ngumiti kami sa camera at hinintay na lumabas yung picture namin.
"Apaka panget mo talaga!"
"Ren!"
Hinawakan ko ang braso ni Gino kasi mukhang kakagatin ako ni Carlo sa galit.
"Tara na, may naghihintay pa sa labas," utos ni Shannon.
Tiningnan ako ng masama ni Carlo kaya nginitian ko siya at tinapp ang ulo niya.
Lumabas kami sa booth ng may ngiti sa labi at nawala kaagad yung ngiti ko nang makita ko si Kuya kasama yung mga borikat at umiwas ng tingin.
"Don tayo. Nuod tayo, face painting."
Syempre ako nag-aya kasi nandon pambato namin eh!
Si Orion hehehe.
Mamayang hapon si Gino kaya chill chill ngayon yung loko.
"Ayon si Onion!"
Tinampal ni Shannon ang bibig ko kaya tiningnan ko siya ng masama at kinagat ang kamay niya para tanggalin yun sa baba ko.
"Masakit!"
"Alam ko. Orion kasi pangalan niya, hindi Onion,"
Pati ba naman yan kokorectionan niya TT TT
"Eh nadulas dila ko eh. Pake mo?"
Tinawanan ako ni Shannon at saka naghulog ng pera don sa box kung nasaan ang pangalan ni Orion.
Wala akong pera so hindi ako naghulog ng pera hehehehe
Sa pera kasi babasihan kung sino ang mananalo ang cool diba?
Drinodrawingan ni Orion ang mukha nung isang representative at napangiti ako dahil sa drinowing niya, It's about love.
Ang cute!
Inilabas ko ang cellphone ko para picturan si Orion at yung ginawa niya.
Syempre e ma-myday ko to para manalo ang JM wahahahahaha!
"Pa drawing rin ako. Pwede ba?"
"Yep kung may bayad ka," sagot ni Gino sa akin.
"Ay joke, hindi na lang pala ako magpa-pa-drawing."
Tinawanan ako ng mga loko kaya tiningnan ko sila ng masama.
"Gusto mo ba?"
Napatingin ako kay Quintin at ngumuso bago tumango.
"Oo hehehe pero wala akong pera,"
Ngumisi si Quintin at tumango.
"My treat."
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Ficção AdolescenteShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...
