REINA JOY
"Let's start with Class Four," sabi ni Sir.
Umalis muna kami doon at pumunta ng bleacher ng Class Zero.
"Hali kayo!" tawag ko kela Cecil para papuntahin sa area ng Class Zero.
Nagdadalawang isip pa sila kaya napangiti ako. "Huwag kayong matakot! Pag kinagat nila kayo, sabihin niyo lang sa'kin."
Nagkatinginan silang apat bago sila lumakad papunta sa bleacher namin
Pinatabi ko sila sa tabi ko which is sa gitna nila Shannon at Mara.
Hindi naman pumalag sila Shannon since nakafocus ang atensyon nila sa laro ng Class Four.
"Grabe! Ang seryoso pala ng boys sa Class Zero no?"
"Sabi kasi ng ibang section barumbado daw sila kaya nakakatakot," ika ni Cecil.
"Yan din akala ko," bulong ni Belle.
Napatingin ako sa Class Zero at pati sila natawa sa narinig nilang bulong-bulungan galing sa mga kasama ko bago bumalik sa panunuod.
"Hoy muse! Pakilala mo naman kamiii! Andamot naman nito." Binilatan ko si Eugene pati yung iba.
Bahala sila jan! Minsan lang ako may kausap na babae ehh.
Pinanuod namin maglaro ang Class Four girls at kung sino ang mananalo sa kanila, yun yung makakalaban ng nanalo sa Class Three na girls.
Ganun din sa boys.
Nanalo ang right side sa girls at napangiti ako dahil sa pinakita nilang sportsmanship. Yung nanalo ay umupo sa kabilang side habang yong boys naman ay nagsimula nang maglaro.
Tumatakbo pabalik sila Ken galing sa labas at binigyan kami isa-isa ng mineral water. Yaman naman ng mga to.
"Thanks!" nahihiyang sabi ni Elvie pagkatapos niyang kunin yung tubig na bigay ni Paulo.
Nginitian ko si Ken at saka bumalik sa panunuod. Ang lakas tumapon ng Class Four. Ako yung natatakot sa kung sino man ang matamaan nun. Napakalakas gagi.
Mag-isang oras na at natanggal na yung nasa left right sa Class Four.
Ngayon, it's girls vs boys.
Binuksan ko ang mineral water ko at saka uminom don. Shannon and Orion are discussing the techniques kasi naririnig ko silang naguusap kung ano ang dapat na posisyon para sa pag-bato.
Nagko-kontradict si Quintin at sinabing mas tama yung kanya hanggang nagtalo na silang tatlo.
"Tumahimik nga kayo!" Tinapunan nila ako ng masamang tingin sabay turo sa isa't-isa.
"Si Shannon eh."
"Anong ako? Sinabi ko lang naman yung tamang pag-bato ah?"
"Mali nga yon. Dapat umasinta muna."
"Eh, paki mo ba."
Napairap na lang ako. Magkakaroon pa ata ng Dean vs Franco 2.0 dito.
"Hi, class failures," I froze in my seat when I heard that voice.
Tumingala silang lahat kay Theo maliban sa'kin.
"It's Class Zero," Pagtatama ni Orion. Yash secretary!
"Whatever. Failures pa rin kayo." Umiwas ako ng tingin at hinawakan ng mahigpit ang mineral water ko.
"And hello, Ms. face of the year."
Kinilabit ako ni Carlo pero hindi ko siya pinansin at binaba lang ang ulo ko. Alam kong inaasar lang niya ako ngayon at hindi ko 'yon nagugustuhan.
"Napaka snabera naman ng face of the year! Ito ba yung face of the year ng JM? Hindi nga ako kayang tingnan,"

BINABASA MO ANG
Hi Flower
Fiksi RemajaShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...