REINA JOY
"Teka lang naman!"
Hindi ko alam kung nasaan na kami basta nandito kami sa mabatong parte ng school kaya wala akong choice kundi hubarin tong sapatos ko kasi lumulusot dun sa bato ang takong ko.
Naka medyas naman ako kaya okay lang na hubarin ang sapatos ko.
Hinintay niya lang ako ng saglit tapos lumakad na naman siya paalis kaya no choice aketch kundi lumakad na rin at na papahawak dun sa pader, masakit pala maglakad ng naka paa no?
Tas nasa batohan na daan ka pa.
Hay nako!
Huminto kami tas lumiko na naman tas huminto kami sa may bintana.
"Ano ba ginagawa natin dito?"
"Shh.."
Natikom yung bibig ko dahil nilagay niya ang kamay niya sa bibig ko at may sinilip dun sa bintana sumilip din ako at pinagsingkit ang mata ko para makita kung ano ang tinitignan niya.
Kung titingnan sa kabuuan ng kwarto, nasa Faculty kami ng Grade 12 cause I've been here.
Dahan-dahang tinanggal ni Mr. Vice yung kamay niya sa bibig ko kaya nakahinga ako ng maluwag at tumingin sa kanya pero again, he place his finger sa lips niya.
Tumingin ulit siya sa bintana kaya tumingin din ako dun at nakita ko si Mr. Staff na nagliligpit para umalis.
May kinuhang susi si Mr. Vice sa bulsa niya at saka tumingin sa paligid bago niya binuksan ang pinto sa exit at pumasok sa loob.
Hinawakan niya ang pulsuhan ko at dinala ako sa loob.
***
"Websters... Websters"
Kanina pa niya binubulong ang pangalan ni Carlo habang ako ay nasa likuran niya lang at binabasa ang mga file holder ng mga Grade 12.
"C. Websters? Mr. Vice!"
Lumapit si Mr. Vice sa akin na may dalang notebook at kinuha ang tinuro kong folder na nasa file holder.
Pinanganak siyang mataas kaya trabaho niya yan.
"Let's go. Baka bumalik si Mr. Giovanne."
Hinawakan niya ang pulsuhan ko at saka lumabas sa exit.
Nilock niya kaagad ang pinto at saka umupo sa lupa dito sa exit.
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Roman pour AdolescentsShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...
