REINA JOY
Sa ilang araw, naging parte na ng buhay ko ang baton.
Hindi ko na siya mabitaw-bitawan kahit saan ako magpunta.
Tuwing pupunta akong cafeteria para bumili ng snack, dala ko siya habang iniikot-ikot sa kamay ko.
Sinusubukan kong maglakad habang umiikot ang baton sa kamay ko kasi sa practice nagiging mahirap na ang mga steps namin.
Himala nga at nakayanan ko!
"Ay sorry!" Paghingi ko ng despensa.
I bumped into someone accidentally.
Yumuko ako para tulungan ang babae na kunin yung mga papel na dala niya at humingi ng dispensa.
"Sorry talaga, do you need help?"
I asked pero nginitian niya lang ako.
"Hindi po~ okay lang po. Ang galing niyo po,"
Nambola pa.
"Sure ka di mo kailangan ng tulong?" I asked.
Tumango siya at saka ngumiti bago naglakad paalis.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalayo siya.
Ngumiti bago ko inikot-ikot ang baton pero syempre tinitigil ko ang ginagawa ko pag maraming tao kasi baka makakasala pa ako.
It's been days since nung first practice at marami na akong natutunan.
Nagsisimula na ring maging mahirap ang steps at meron ding sayaw na kailangan ng dalawang baton.
Kaya naman ganito nalang ako ka-eager mag dala ng baton kahit saan para makuha ko yung part na yon.
Parati kasing nahuhulog sa field yung baton tas minsan pag tinatapon ko sa ere, hindi ko nasasalo.
May one time, tumalon sa ulo ko yung ulo nung baton.
Ang sakit pare!
Matigas na foam kaya ang laman ng ulo ng baton kaya ang sakit pucha!
Feeling ko nga nagka-amnesia ako after yon mangyari sa akin!
"Sa Showdown ka lang talaga mahihirapan, sa parade hindi naman masyado kasi naglalakad ka lang naman niyan. Sa Showdown dapat give your best."
Pinanuod ko si Sir Erol na sumayaw sa harapan ko at magsplit kaya nanlaki ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Fiksi RemajaShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...
