REINA JOY
"Students! Please go out from your classroom and head to the field again, Students! Please go out from your classroom and head to the field. Thank you," anyonso sa speaker.
"Anong meron ngayon," I asked.
"Ewan. Baka may palaro?" patanong na sagot ni Franco.
"Hey, President. Wala ba silang binanggit nung meeting niyo?" tanong ko kay Shannon na nasa unahan. Umiling si Shannon habang seryosong nakikipag-usap kela Mara, Quintin at Orion.
Ano kayang meron...
"Arat na!" sabi ni Carlo.
Pinulupot ko ang braso ko sa braso ni Carlo at saka kami lumakad pababa ng building papuntang field.
"Bumalik na daw si Theophany?"
"Oo nga eh! I'm sure babalik na din yung mean girls niya."
Theophany?
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang pangalan na yun.
"Ren? Hoy! Okay ka lang?"
Napatingin ako kay Carlo at dahan-dahang tumango. Ngumiti ako sa kanya bago kami nagpatuloy sa paglalakad.
Nang makarating kami sa field, I can't help but get amaze. Malaki ang field at may Brick wall barrier ng SHS at College.
Napangiti ako nang maaninag ko sila kuya na naglalaro ng dodgeball sa field nila. Sumunod ako kela Shannon na naglalakad papunta sa bleacher namin.
"Fall in line, students!"
Hinila ako ni Shannon at nilagay sa unahan kaya napalingon ako sa kanya.
"Diba ikaw dapat una?" pagdadabog ko.
Ginaya ni Shannon ang sinabi ko bago siya pumunta sa likuran ko tapos si Quintin, Si Manhattan at Orion and then sunod-sunod na.
"Good morning students."
"Good morning, sir," bati namin pabalik.
"Mid mid,"
"Tumahimik ka, Carlo. Ang lakas ng boses mo."
"Ay, sorry bossing. Hehehehe"
Nilingon ko sila sa likuran ko at muntik na mapamura nang nakita kong nag ML ang mga langya. Lagot kami kay Sir pag nakita niya 'tong mga 'to na hindi nakikinig. "Akin na nga yang mga cellphone niyo!"
"Teka, Ren! Mananalo na kamiiiiii!"
"Heh!" Kinonfiscate ko ang mga cellphone nila at niyakap ang mga 'yon bago bumalik sa linya ko.
Pinagpatuloy na ni sir yung sinasabi niya and he said na we need to do jogging daw and then we will proceed to the main activity. In addition sa ginawa ko, binawian ni Sir ng cellphone ang lahat ng estudyante at nilagay yun sa bag niya.
Nagsimula nang mag jog ang Class Four tas sunod ang Class Three then followed by Class Two and Class One.
Syempre kami pinakahuli.
Class Zero eh.
I was about to start jogging nang may biglang humarang sa daanan ko. "Look who's here, my dear friend,"
Ini-angat ko ang tingin ko at napalunok sa kaba.
Theophany.
Paano siya nakapunta dito? Did she move here nung nag transfer siya galing San Martin? How come hindi ko siya nakita nung first day of school?
"Na-miss mo ba ako?"
"H-huh?" Damn. Why am I stuttering?
"Natakot ba kita?" she asked, smiling widely.
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Teen FictionShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...
