REINA JOY
"Anong oras na? Magpahinga na kayo. Maaga pa klase niyo bukas," ika ni mom.
Pero ako si Reina Joy L. Fuentes at kahit kailan, hindi ako nakikinig sa—
"ANO HINDI KA TATAYO DIYAN?"
Sabi ko nga tatayo na.
Pinagpagan ko ang damit ko at nakangusong sumunod kay kuya sa itaas.
Dumiretso siya sa kwarto niya kaya ako rin sa akin.
May spray net pa sa buhok ko kaya kailangan ko munang maligo ng mabilisan.
After I take a bath, sinimulan ko na ulit practisin yung kantang ginawa ni Shannon.
Maganda siya, opening song siya nung nakalimutan ko kung anong anime yun, basta opening song.
Wonder 5 ata?
AY HINDI!
VOLTES V!
Knock. knock
Napatingin ako sa pinto bago tumayo sa kama ko at binuksan 'yon.
"Yes mah brother?"
Pinagkrus niya ang braso niya habang nakatingin sa akin.
Lah. Problema ng lalaking to?
"Pinost na ba ng school ang picture mo?"
Inirapan ko si Kuya bago ko binagsak ang pinto.
"WHAT THE— REINA JOY!"
"HINDI KO ALAM. GOOD NIGHT!"
"hmp!"
***
"Sabihin mo sakin pag na post na nila okay?" I nodded my head.
He leaned to kiss my forehead.
Bumaba na ako sa kotse at sinabit ang bag ko sa kabilang balikat ko.
"Good morningg!!" bati ng mga High School sa akin.
"Good morning din!"
Nginitian ko sila at nagtungo sa gate. Iniswipe ko ang ID ko at nagtungo sa building ko.
Maaga pa kaya wala masyadong tao ngayon pero oks lang kasi walang tumatakbo papunta sa akin para magpapicture. Hehehehe
Binati ako ng Class Four at Two kaya binati ko rin sila pabalik.
"Narinig ko na sa monday daw ipopost yung picture niyo kahapon?" sabi nung babae galing Class Two sa akin.
"Ang tagal naman. Eh yung sa ambassador daw?"
"Mamaya daw sabi ni Zack. May ipopost daw na tarp sa harapan"
Nicee!
"Salamat!"
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng blazer ko at hinanap ang number ni Kuya.
[Hm?]
"MAY GOOD NEWS AKOOO"
[Huwag ka ngang magpakaba! Sabihin mo na kung ano yan,]
"Basta! Pumunta ka dito mamayang hapon! May surprise ako!"
[Good Morning, Class— mamaya na]
He ended the call so I smiled bago lumakad papasok sa classroom.
Unang bumati sa akin si Nestor at Jasper na naglalaro ng plants vs zombies sa teacher's table—
Wait... PLANTS VS ZOMBIES!?
BINABASA MO ANG
Hi Flower
Teen FictionShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...
