Chapter 58: KTV

29 5 0
                                        

REINA JOY

"Reina Joy! Si Ivan!"

"Bakit?" 

Hindi natapos ni Franco ang sasabihin niya kasi may nakarinig kaming sigawan galing sa labas ng Classroom. 

Ano ba naman to! 

Kakabalik ko lang may nang-aaway na naman

Lumabas ako sa classroom at bumungad kaagad sa akin ang tatlong lalaking binubugbog si Ivan. 

Hinubad ko ang sapatos ko at itapon sa mukha ng lalaking bumubugbog kay Ivan. 

Natamaan ng takong ko ang pisngi niya, mabuti nga sa kanya. 

Tumakbo ako kay Ivan na duguan ang mukha.

"HOY! ANONG PROBLEMA MO!" sigaw ko.

"Bakla yang lalaking yan!" sigaw niya pagkatapos makarecover sa ginawa ko

"Anong pinagsasabi mo!?"

"Kanina pa niya ako tinitingnan at gustong kausapin!" Magsasalita pa sana ako pero pinigilan ako ni Ivan.

"Bakit? Pag ba gusto kang kausapin bakla na kaagad? Pano yang nasa likuran mo? Pag tinawag ka niya at tiningnan ka niya ibig sabihin bakla na siya?" 

Si Carlo yan.

Nilabas ko ang panyo na nasa blazer ko at nilagay sa dumudugong pisngi ni Ivan. 

Tiningnan ko ng masama ang lalaki na mukhang nag-iisip siya sa pwede niyang isagot kay Carlo.

"Lalaking tunay siya."

"Talaga!? Mag kiss nga kayo kung lalaki talaga!" 

Gusto kong matawa dahil sumbat nila Cecil at wonder girls niya.

"Tinawag lang kita kasi may pinapabigay ang kapatid ko. Ikaw na nga ang may ganang manloko sa kapatid ko, ikaw pa may attitude," 

Napalingon ako kay Ivan bago tumingin dun sa lalaki.

"E tarantado ka pala eh!" sigaw ng mga estudyante.

Umalis na kami don at pinabayaan ang mga estudyante ng Class Three na sugorin siya ng suntok at pag tapunan ng mga pagkaing kinakain nila. 

He deserves it. 

Gago pala yung lalaking yon!

"Sana sinapak mo din!" 

Binigyan ako ng cotton roll at tubig ni Carlo at saka sumuntok suntok sa ere.

"Sinubukan ko pero binalahan niya ako ng suntok. Pati yung mga kasamahan niya," sagot ni Ivan at ininda ang hapdi ng sugat niya.

Dinahan-dahan ko yung pag tap nung cotton roll sa sugat niya para hindi masakit masyado. 

"Sa susunod na kakalabanin ka na naman nung gagong yon. Sabihin mo sa amin," sabi ni Mara. 

Kinuha ko yung band aid na hawak ni Quintin at nilagay yun sa sugat ni Ivan sa labi.

"Tinamaan nga yung pesnge niya sa takong ko—teka! Ang sapatos koooo!" 

Tumayo ako sa upuan ko at lumabas ng classroom para hanapin yung sapatos ko. 

Mabuti na lang nandito pa sa hallway at walang nakakuha. Hehehehe

Pagbalik ko sa classroom at ayon sila, nagsusuntukan sa hangin, shadow fighting ba.

Nag vibrate yung cellphone ko kaya kinuha ko yun at sinagot ang tawag ni Kuya habang inaayos ang bag ko.

Hi FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon