"Bakit mo ba naman kasi sinubukang buksan ang topic na iyon sa kaniya? Alam mo na ngang mailap iyong tao. Saka siyempre, uncomfortable kaya iyon."
Kausap niya ngayon via video call ang kaibigang si Chino dahil hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya. Pakiramdam niya sasabog ang utak niya anumang oras kapag hindi niya nailabas ang ano mang bumabagabag sa kaniya.
"Kailan ko pa siya kakausapin tungkol doon? Saka gusto ko lang naman malinawan ang inaagiw ko ng utak. Alam mo iyon, may asawa siya pero nagpakalasing siya at nakipag-one night stand sa akin nang araw na iyon. Ang labo lang e," sagot niya sa kaibigan.
"Iyon lang. Pero malay mo naman hiwalay na sila no'ng lalake, hindi lang siya makapag-move on. Saka teka nga, ikaw ba ay interesado riyan kay Kris? 'Tol, paalalahanan lang kita, may sabit iyan," sabi ni Chino sa kaniya.
"I know. Gusto ko lang naman malaman kung bakit..."
"Kung bakit siya nagpakalasing noon at sumiping sa iyo ng isang gabi? Kung bakit bigla siyang naglahong parang bula after that one hot night? Para ano? May mababago ba sa katotohanang kasal na siya at hindi na available? Lester, huwag kang maghanap ng sakit ng ulo. Saka hassle iyon 'no, uungkatin mo ang bagay na nangyari na. And take note, maselang paksa iyan," litaniya ng kaibigan sa kaniya.
Nakuha naman niya ang gustong sabihin ni Chino sa kaniya. Tama ito, hindi mababago ng usap ang katotohanang nakatali na ito at hindi na malaya. Kahit pa malaman niya ang dahilan nito, hindi pa rin naman siya magkakaroon ng pagkakataong maangkin ang babae.
"Okay, I got you," sabi niya kay Chino matapos niyang huminga ng malalim.
Pero bakit ganoon, kahit pa tinanggap na niya ang sinabi ng kaibigan tila may nagsasabi sa kaniya na kailangan pa rin niyang gawin iyon. Siguro saka na lang niya uungkatin ulit iyon kapag wala na sila sa trabaho. In short, kapag nakabalik na sila sa Pilipinas. At gagawin niya ang lahat para magtagpong muli ang landas nila kahit pa nasa Pilipinas na sila.
"Sana naman natauhan ka na riyan sa kahibangan mo. Just focus on your work at kalimutan mo na iyang babaeng iyan. By the way, malapit na kaming ikasal ni Althea. Make sure na nasa bakasyon ka no'n," pag-iiba ng usapan ni Chino.
"Wow! Congrats 'tol! Pero alam ba niya na ikakasal na kayo?" nakakalokong tanong niya sa kaibigan.
"Gago! Siyempre naman 'no! Matitikis ba naman ako no'n? Sa guwapong kong ito," nakangising saad nito sa kaniya.
"Hus! Nagbuhat ka na naman ng bangko! Sige, sige, I'll arrange my schedule kapag may invitation card na akong natanggap." Mahinang tawa niya.
"Siraulo! Sige, sige! Mag-iingat ka riyan, time for me to go. May kailangan pa akong lakarin e." Paalam na nito matapos tumingin sa relo nito.
"Okay, thank you. Ikumusta mo na lang kina Althea at Paulo," tugon naman niya rito.
"I will. See you soon! Bye!"
Kinawayan lang niya ang kaibigan saka pinindot ang end button. Maingat niyang isinilid ang kaniyang tablet saka nahiga sa kaniyang kama, habang nakaunan sa isang braso at nakapatong ang isa sa kaniyang tiyan. Tama si Chino, pero mas gusto niyang sundin ang iniuudyok ng kaniyang puso. Pipilitin pa rin niyang makausap si Kris kahit pa habulin niya ito hanggang sa Pilipinas.
"Mabuhay ang bagong kasal!"
Hindi mapuknat-puknat ang ngiti sa mga labi ng dalawang taong katatapos lang ikasal. Parehong nagniningning ang mga mata nila habang nakatunghay sa isa't isa.
"Mahal kita, Kris. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko habang buhay," punom-puno ng pagmamahal na sambit ni Bryan sa kaniya.
Hinaplos naman niya ang mukha ni Bryan saka buong pagmamahal na tinitigan ito sa mata. Mahal na mahal niya ang lalakeng nakatayo sa kaniyang harapan ngayon at ang makasal dito ay isa sa pinapangarap niya.
BINABASA MO ANG
Captain Lester - The Captain of the Sea
RomanceLumaki si Lester na kulang sa pagmamahal at atensiyon ng kaniyang mga magulang. Kaya nang makilala niya si Leslie Ann, inakala niyang ito na ang babaeng magpupuno sa pagmamahal at atensiyon na matagal na niyang ninanais. Ngunit nagkamali siya, dahil...