Chapter 43

63 2 0
                                    

"What?! May nangyari sa inyo ni Lester? Lester as in Lester na ilang beses mong ni-reject? Wait, h-how? When? Where? Paki-explain nga!" histerical na tanong ni Jim kay Leslie matapos nitong ilahad sa kaibigang bakla ang nangyari sa party ni Eiffel. Ka-batch nila si Jim, pero hindi ito nagpunta kagabi dahil abala ito sa jowa nitong kinakuwartahan lamang ito.

"Huwag kang sumigaw, puwede? Rinig na rinig kita, okay?" nakairap naman niyang saad sa kaibigan.

Mabilis namang naupo ito sa kaniyang tabi mula sa pagkakatayo nito sa tapat ng bintana. Nagyo-yosi kasi ito at alam ng kaibigang ayaw niya ng amoy ng sigarilyo.

"E, kasi naman binigla mo ako sa pasabog mo 'day!" maarteng sagot ni Jim sa kaniya. "So, ano ba kasi ang nangyari? Paanong may nangyari sa inyo ni Lester?"

Ngumiti naman siya saka ikinuyakoy ang kaniyang paang naka-de quatro. "Well, dahil lasing na lasing siya kagabi, inihatid ko siya sa bahay niya. Tapos pagdating namin doon, bigla na lang niya akong hinalikan. Mapusok, malalim, punom-puno ng pagnanasa, at nakakadala." She bit her lower lip while reminiscing.

"Tapos?" excited na untag ni Jim sa kaniya.

"Tapos we kissed! Then he took me in his room. We touched each other while kissing and taking off our clothes. Hanggang sa walang matirang kahit na ano sa katawan namin."

Titig na titig si Jim sa kaniya habang mataman itong nakikinig. Nanlalaki pa ang mga mata nito at parang pigil-pigil ang hininga, habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"Then?" hindi na nakatiis na tanong nito nanag hindi siya magpatuloy sa kanyang pagkukuwento. "Itutuloy mo ang kuwento mo o kakalbuhin ko ang kilay mo?" pananakot pa nito sa kaniya nang titigan lang din niya ang kaibigan.

Natawa naman si Leslie saka tinampal ang noo ni Jim. "Tsismosa! Well, sorry to disappoint you, pero walang nangyari." Humalukipkip pa siya sa tabi nito habang nagkukuyakoy.

"Teka nga! Ang gulo mo!" reklamo ni Jim sa kaniya. "Sabi mo kanina may nangyari sa inyo. Ngayon biglang wala? Ano ba talaga girl?" tanong nito sa kaniya kasabay ng pagtirik ng mga mata nito.

"Wala ngang nangyari maliban sa naghalikan kami at naghubaran ng damit! Okay? Kasi naman nang itulak ko siya sa kama, nakatulog siya. Kaya ayon, walang nangyari," nakasimangot na lahad nito.

"Ayyy! Akala ko naman may nangyari talaga, waley pala. Tinulugan ang beauty mo 'day! Sa susunod kasi siguraduhin mong hindi lasing para may maganap!" paglilitaniya ni Jim sa kaniya.

Inirapan lang niya ang kaibigan saka muling binalikan ang naganap kagabi.

Flashback...

Dahil sa kalasingan hindi na kinaya ni Lester ang magmaneho pauwi. Kaya naman si Leslie na ang nagmaneho para sa lalake. Nang makarating sila sa Casa Vielle, nagpatulong siya sa guwardiya para akayin si Lester paakyat sa unit nito.

"Thank you!" sabi pa niya sa guwardiya nang nasa tapat na sila ng unit ng binata.

"Okay na po ba kayo rito ma'am?" paniniyak ng guwardiya sa kaniya.

"Oo kuya, okay na kami rito. Salamat!"

Tumango naman ang guwardiya saka ito umalis, habang siya naman ay inakay si Lester papasok sa unit nito. Pagkasarang-pagkasara pa lang ng pintuan ng unit ni Lester ay kaagad niyang hinalikan sa mga labi ang binata.

"What are you doing?" tanong nito sa kaniya nang inilayo siya nito sa katawan ng lalake.

"Come on sweetheart, it's me Kris," saad niya kay Lester saka muling hinalikan ito.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon