Chapter 16

94 2 0
                                    

"O, aalis ka na?" takang tanong ni Marc kay Lester matapos nilang mag-usap ni Leslie. Ayon sa babae, gusto lang daw nito ng makakausap at maglabas ng sama ng loob. Kaya naman ngayon, nagmamadali siya upang puntahan ang babaeng kahit papaano naman ay naging malapit sa kaniyang puso.

"Sorry mga 'tol, may kailangan lang akong puntahan. Chino, congratulations ulit! Don't worry I'll be at your wedding day, Promise!" aniya sa kaibigan saka nagmamadali ng lumabas sa silid na iyon. Nagkantiyawan pa ang mga kaibigan, ngunit hindi na niya pinansin pa ang mga ito.

Agad niyang hinanap ang kinaroroonan ni Leslie nang makababa na siya mula sa ikalawang palapag ng restaurant. Nabanggit kasi ng babae kung saan niya ito makikita, kaya sinabihan niyang huwag aalis doon at pupuntahan niya ito. Mabilis naman niyang natagpuan ang babaeng nakaupo sa sulok ng restaurant kung saan may man-made cherry tree, kaya agad niyang nilapitan ito. Nagulat pa siya nang bigla na lang siyang sugurin ng yakap ni Leslie. Hindi niya tuloy alam kung yayakapin ba niya ito pabalik.

"Thank you!" gumagaralgal ang tinig nitong saad sa kaniya.

Para naman siyang itinulos sa kaniyang kinatatayuan at hindi pa rin malaman kung paanong tutugon sa pagyakap ng babae. Hanggang sa kumalas si Leslie mula sa pagkakayakap sa kaniya. Kitang-kita niya mula sa mga mata ng babae ang lungkot at sakit.

"Ano ba ang nangyari?" masuyo niyang tanong sa babae saka ito inalalayang makaupo sa inuupuan nito kanina. Kumaway pa siya ng waiter at um-order ng maiinom saka muling ibinaling ang atensiyon kay Leslie.

Sumisinghot-singhot pa ang babae habang nagpapahid ito ng luha sa mga mata nito. "Adam and I broke up," malungkot nitong saad sa kaniya. "Hindi ko na kasi ma-take ang ugali niya. Ibang-iba na siya sa Adam na minahal ko noon."

Tahimik lang si Lester habang nakikinig sa babae. All along ang alam niya kasal na ang mga ito, kaya medyo naguguluhan siya ngayon. "Sorry to hear that. I thought you and Adam were already married," pahayag niya sa babae.

Umiling naman si Leslie at mapait na ngumiti sa kaniya. "We're not." Huminga pa ito nang malalim saka malungkot ang mga matang tumingin sa kaniya. "Mukhang hindi na rin mangyayari iyon. We've been together for quite sometime now, pero wala naman siyang nababangggit about settling down. Believe it or not, he always avoid to discuss about getting married and building our own family. Tapos recently, we always fight. Ang dami kasi niyang ayaw. Ayaw niyang makipagkita ako sa mga kaibigan ko, ayaw niyang pinakikialaman ko siya, ayaw niyang... basta napakarami niyang ayaw!"

Muli namang nangilid ang luha ng babae hanggang sa tuluyan na namang humagulhol ito. Nakaramdam naman siya ng awa kaya ginagap niya ang kamay ng babae at ikinulong iyon sa kaniyang mga palad.

"Stop crying. Honestly, hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa iyo. Pero tingin ko, kailangan niyo lang mag-usap ng masinsinan ni Adam. Wala naman kasing ibang makaka-solve ng problema ninyo kundi kayong dalawa lang. I'm not expert sa love, pero I think you have to talk," aniya sa babae.

Tumango naman si Leslie saka matipid na ngumiti sa kaniya. Inabot naman niya ang mukha nito at pinahid ang mga luhang naglandas doon. Naaawa talaga siya kay Leslie. Hindi naman kasi niya akalaing may problema pala ito sa lalakeng napili nitong mahalin.

"Thank you Lester. Pasensiya ka na ha? Naabala pa tuloy kita. Hindi ko lang kasi talaga alam kung paanong ilalabas ang sama ng loob ko kay Adam. Wala kasing nakaaalam ng totoong nangyayari sa aming dalawa. Ayaw ko kasing magalit sa kaniya ang mga taong malalapit sa akin — especially my family. Ayaw kong madamay sila sa problema namin ni Adam," pahayag ni Leslie sa kaniya.

"No problem!" tugon niya rito saka nginitian ang babae.

Binawi na ni Leslie ang kamay sa kaniya at nagpahid ng sarili nitong mga luha. "Ano ba iyan? Sorry ha, nagdrama pa ako sa harapan mo. Hindi ko na kasi talaga alam kung paanong gagaan ang pakiramdam ko e. Alam mo iyon? Wala kasi akong mapagsabihan. Kahit si Glaiza hindi ko masabihan ng problema ko kasi baka magalit siya kay Adam."

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon