Matapos ihatid ni Lester si Leslie sa kanila, agad siyang dumiretso sa isang bar. Pagpasok niya roon ay agad siyang um-order ng isang bote ng whiskey at naupo sa isang sulok ng bar na iyon, kung saan hindi masyadong matao. Agad siyang nagsalin ng alak sa kaniyang baso at inisang tungga iyon. Hindi pa rin niya matanggap hanggang ng mga sandaling iyon na sa pangalawang pagkakataon, ni-reject na naman siya ni Leslie.
"Ano pa bang kulang sa akin? Nakapagtapos na ako ng pag-aaral, may trabaho— guwapo naman ako sabi ng mga babae sa paligid, kaya ko namang ibigay ang buhay na gusto niya. In fact, puwede na nga siyang sa bahay na lang e, or she can even cruise with me on the ship while I'm working. Kaya ano pa bang inaayawan niya sa akin?" kausap niya sa kaniyang sarili.
Muli siyang nagsalin ng alak sa kaniyang baso at ininom iyon ng diretso. Gusto niyang magpakalunod sa alak para hindi na niya maramdaman pa ang sakit na bumabalot sa kaniyang puso. Tutal he's on vacation and he's not running a ship. Kaya kahit gumapang siya sa kalasingan, ayos lang. Nangangalahati na siya sa kaniyang iniinom nang may umagaw ng kaniyang bote at naupo sa kaniyang tabi. Napakunot ang kaniyang noo at napasulyap sa kung sino mang umagaw ng alak sa kaniya.
Kahit na namumungay n ang kaniyang mga mata at medyo may tama nang alak, alam niyang maganda ang babaeng nakaupo sa kaniyang tabi. Maliit ang mukha, maiksi ang buhok, namumungay ang mga matang katulad ng sa kaniya. Tila malapit na itong makatulog sa kalasingan. Muntik pa ngang mabasag ang bote ng alak nang mabitiwan nito iyon.
Hinayaan na lang niyang makasalo ito sa kaniyang table at makiinom ng kaniyang alak. Hindi siya makapaniwalang nakikipagkuwentuhan siya sa isang taong hindi naman niya kilala— and worst, lasing. Balak na sana niyang iwan ito nang paglingon niya ay tulog na ang babae. Napailing na lang siya at maingat na inalis ang baso sa kamay nito. Huminga pa siya nang malalim saka inakay ang babaeng patayo.
"Kapag sinusuwerte ka nga naman. Tsk!" kausap pa niya sa kaniyang sarili.
Dumaan muna sila ng bar habang akay-akay niya ang natutulog na babae. "Please charge everything she drinked on me," aniya sa bartender.
Matapos magbayad, agad na rin niyang inakay ang babae patungo sa kaniyang suite. Hindi kasi niya alam kung saan dadalahin ang lasenggang babae, dahil nang gisingin niya ito, hindi na nito nagawa pang magsalita. Mabuti na lang naisipan niyang mag-book ng kuwarto sa lugar na iyon. Pagpasok sa kaniyang kuwarto, mabilis niyang inilapag sa kama ang babae na agad din namang dumapa roon na akala mo kaniya ang kama.
Dahil sa ginawa nitong iyon, lumilis ang suot nitong bestida at lumantad ang makinis nitong hita. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa alak na kaniyang nainom, pero bigla siyang nag-init sa kaniyang nakikita. Kaya upang iwasan iyon, mabilis siyang tumalikod at nagtungo sa banyo para iligo ang init na kaniyang darama. Ngunit ilang sandali pa lang siyang nasa loob ng banyo at nagbababad sa bathtub, nang pumasok ang babae roon at walang sabi-sabing naghubad sa kaniyang harapan.
"Sh*t! What the hell are you doing?" nabibiglang tanong niya rito at mabilis na kumuha ng tuwalya upang balutin ang hubad na katawan ng babae. Ngunit sa kaniyang pagkabigla, bigla na lang siyang hinalikan ng babae sa kaniyang mga labi.
Nanlalaki ang kaniyang mga mata habang magkalapat ang kanilang mga labi. Gusto sana niyang itulak palayo ang babae ngunit hindi niya magawa. Nagugustuhan na rin kasi niya ang paghalik na ginagawa nito sa kaniya. Kaya naman imbes na itulak ito, hinapit pa niya sa baywang ang babae at hinalikan ito na kagaya ng ginagawa nitong paghalik sa kaniya.
Tanging ang mga pag-ungol na lang ng babae ang kaniyang naririnig na tila isang magandang tugtugin sa kaniyang pandinig. Nalaglag na rin ng tuluyan sa sahig ang tuwalyang ipantatakip sana niya sa katawan ng babae. Tila pa siya nakiliti nang maramdaman niya ang paglapat ng mainit nitong katawan sa kaniya. Kung kaya, hindi na niya napigilan pa ang sarili at mabilis na binuhat itong pabalik sa kama.
Para silang sabik na sabik na matikman ang isa't isa at hindi magkandatuto sa paghalik at paghaplos sa kani-kanilang mga katawan. Pinagapang niya ang halik sa leeg ng babae na ikinaungol lalo nito habang sinasabunutan ang kaniyang buhok. Ibinuka pa nito ang mga paa at ikinawit sa kaniyang balakang. Ngayon ay damang-dama na niya ang mainit at mamasa-masang gitnang bahagi ng katawan nito.
"Sh*t you're hot and wet!" paanas pa niyang saad sa babae saka tuluyang tinanggal ang maliit na telang bumabalot sa ibabang parte ng katawan nito.
Bumaba pa ang paghalik niya sa dibdib nito at nagtagal roon ng ilang sandali, bago muling kumilos paakyat upang magtapat ang kanilang mga mukha.
"Take me!" utos nito sa kaniya. Muli naman niyang inangkin ang mga labi nito at pumuwesto upang tuluyang angkinin ito.
Kapwa sila umuungol at kumikilos na animo nagsasayaw sa ibabaw ng kama habang inaangkin ang isa't isa. Bawat pag-ulos niya sa babae ay siya namang pag-angat ng balakang nito, upang salubungin ang kaniyang alaga. Hanggang sa pareho nilang marating ang paraisong tanging sila lamang ang nakaaalam.
Hindi malaman ni Lester kung ilang ulit nilang inangkin ang isa't isa, at hindi niya makalilimutan ang kakaibang damdaming kaniyang naramdaman, habang inaangkin ang estrangherong babae. Magkayakap silang nakatulog matapos ang huling pagniniig nila dahil na rin sa pagod.
"I'll see you in the morning pretty," bulong pa niya sa babaeng natutulog sa kaniyang tabi saka ito tinaniman ng halik sa noo.
Habang siya naman ay tuluyan na ring pumikit at may ngiti sa mga labing natulog habang yakap sa kaniyang mga bisig ang babaeng nagbigay ng kakaibang damdamin para sa kaniya. Bukas na lang niya tatanungin ang babae sa mga impormasyong nais niyang malaman tungkol dito. Ang mahalaga sa ngayon ay ang makapagpahinga sila. Dahil aaminin niyang napagod siya sa ginawa nilang pagniniig ng babae.
Nagising si Lester sa tama ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. Napainat siya ng higa habang naghihikab at tumagilid upang sana tingnan ang babaeng kasama niya kagabi. Nang gawin niya iyon, wala na sa tabi niya ang babae. Napabangon siya sa kama at napaupo saka nagpalinga-linga sa paligid.
Wala ni bakas ng kung ano na nagsasabing naroon pa ang babae sa loob ng silid na iyon. Natampal niya ang kaniyang noo saka napabalik sa paghiga.
"Awww!" reklamo pa niya nang biglang sumakit ang kaniyang ulo dahil sa biglaang paghiga.
Napatitig siya sa kisame at naisip kung paanong hahanapin ngayon ang babaeng nakasiping niya kagabi. Paano kung magbunga ang ginawa nila nito? Hindi malabong mangyari, lalo na at wala naman silang ginamit na ano mang protekiyon kagabi.
"Damn, Lester!" mura niya sa sarili saka huminga ng malalim.
Makita pa kaya niyang muli ang babaeng iyon? Ni pangalan hindi man lang niya nakuha. Ang tanging natatandaan lang niya ay ang maliit at maganda nitong mukha na animo anghel. Pero sapat ba iyon para makilala niya ang babae? Sa dami ng babae sa mundo, malamang na marami ring mala-anghel ang mukha katulad nito.
Muli siyang napahinga nang malalim saka tuluyan nang bumangon upang maligo. Ililigo na lang niya iyon, at kung magkikita pa sila ulit ng babae, siguro masasabi na lang niyang destiny iyon.
BINABASA MO ANG
Captain Lester - The Captain of the Sea
RomanceLumaki si Lester na kulang sa pagmamahal at atensiyon ng kaniyang mga magulang. Kaya nang makilala niya si Leslie Ann, inakala niyang ito na ang babaeng magpupuno sa pagmamahal at atensiyon na matagal na niyang ninanais. Ngunit nagkamali siya, dahil...