Chapter 48

63 2 0
                                    

Ilang araw pa ang lumipas at napagdesisyunan na nga nina Kris at Ryan na umuwi sa kanilang lugar. Tapos na siyang magmuni-muni at handa na rin siyang harapin si Lester. Isa pa, kailangan na rin naman nilang mag-usap ng kasintahan para sa ikatatahimik nilang pareho.

"Welcome home!" Nakadipa pa si Ryan habang sinasampyo ang sariwang hanging umiihip sa kanilang mga mukha. Nasa tapat na sila ng kanilang bahay ngayon at hinihintay na may bukas ng gate para sa kanila.

"Ryan, Kris! Hay salamat naman at naisipan niyo ng umuwi!" tuwang-tuwang sambit ng ina ni Kris habang nagmamadali itong buksan ang kanilang gate. Agad naman niyang niyakap ang ina nang makalabas na ito ng kanilang bahay.

"I miss you ma!" sambit niya sa kaniyang ina habang magkayakap sila nito.

"I miss you too, anak."

"Ay, magdrama raw ba sila o! Hay naku, tara na nga sa loob at pakainin niyo naman ako mama. Ang bigat kaya ng bagahe nitong anak ninyong layas!" litaniya ni Ryan. Natawa naman siya nang kumembot-kembot pa itong naglakad papasok ng kanilang bakuran, habang kinakaladkad ang maliit niyang maleta.

"Ryan, umayos ka nga! Hindi bagay sa iyo ang kumikembot!" natatawa niyang saad sa bayaw. Umikot naman ito at nag-pose sa kanilang harapan.

"Pangit ba? Hmp!" anito sabay irap sa kaniya.

"Oo! Ang laki-laki ng katawan mo tapos aarte ka ng ganiyan, ewww!" pabiro niyang saad sa lalake. Inirapan lang ulit siya ni Ryan saka nag-flip ng imaginary long hair nito. Napabungisngis naman siya sa ginawa ng lalake saka umabrisiyete sa kaniyang ina at naglakad na ring papasok sa kanilang bakuran. Habang ang mama naman niya ay napapailing na lang habang pinapanood si Ryan na maglakad.

Matapos nilang kumain ni Ryan ay nagpahinga na rin muna sila ng kaniyang bayaw. Pinatulog niya ito sa kaniyang silid, habang siya naman ay sa kuwarto ng ate niya natulog. Maaga pa naman at alam niyang napagod din ito sa pagbubuhat ng kaniyang mga bags. Kaya minabuti na muna niyang patulugin ito roon para may lakas itong rumampa mamaya sa raket nito. Isang architech ang kaniyang bayaw at fashion artist kung minsan, lalo na kapag may mga red carpet fashion show. Ayon sa lalake, iyon talaga ang first love nito. Pero dahil hindi pa siya out nang mga panahong nag-aaral pa siya, kumuha siya ng ibang kurso. At iyon nga ang architecture.

Nagising si Kris sa lakas ng pagkakatili ni Ryan. Pupungas-pungas pa siya nang buksan ang pintuan ng silid na kinaroroonan niya upang silipin kung anong nangyari sa baklita niyang bayaw.

"Ryan, ang ingay mo naman e!" nakasimangot niyang saad sa lalake habang nagkukusot ng kaniyang mga mata.

Agad naman siyang hinila ni Ryan saka mahigpit na hinawakan sa kaniyang balikat. "Sis, bakit naman 'di mo ako in-inform na may pa-surprise ka pala sa aking lalake!" bulong nito sa kaniya.

Napakunot-noo naman siya sa sinabi ni Ryan saka binalingan ng tingin ang lalakeng ngayon ay salubong ang mga kilay na nakatingin sa kanila ni Ryan. Bigla naman ang pagragasa ng kaba sa kaniyang dibdib nang masilayang muli ang mukha ng lalakeng pinakamamahal. She miss him so much, so much that she wants to throw herself to hug him.

Palihim niyang kinurot si Ryan dahil sa kalandian nito. "Aray!" anito kaya pinandilatan niya ito ng mga mata nang lingunin niya ang lalake. Para namang nakaramdam ang baklita niyang bayaw dahil biglang napa-Oh ito at tumikhim saka sumeryoso ng mukha.

"Brad, Ryan nga pala. Pasensiya ka na kung nagulat kita kanina," pakilala ni Ryan sa sarili sabay abot ng kamay nito. Sandaling tiningnan naman ni Lester ang kamay ni Ryan bago iyon inabot at nakipagkamay rito.

Nagsukatan ang dalawang lalake at parang nagkakaroon na ng tention sa pagitan ng mga ito kaya agad nang pinaghiwalay ni Kris ang mga kamay ng mga ito. Tiningnan niya si Ryan at muling pinanlakihan ng mga mata. Nagkibt-balikat lang naman ang bayaw niya saka humalukipkip. Habang si Lester naman ay nakatunghay na ngayon sa kaniya. Seryoso ang mukha nito at parang gusto siya nitong parusahan sa mga sandaling iyon. Kung anong parusa iyon, parang nae-excite siyang malaman iyon.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon