"Ewan ko sa iyo 'tol. Pero alam mo dapat siguraduhin mo muna sa sarili mo na hindi lang awa ang nararamdaman mo para kay Kris. Unfair naman kasi iyon kung makikipaglapit ka sa kaniya na awa lang ang nararamdaman mo. Isa pa, let me just remind you, she's still married. Baka mamaya magka-problema ka riyan. Siguraduhin mo munang hiwalay na sila, bago ka umeksena," litaniya ni Chino sa kaniya habang nag-iinuman silang magkaibigan.
Nasa codo ito ngayon dahil kagaya niya, kadarating lang din nito mula sa biyahe nito. Madalas silang magkita kapag nakabakasyon siya dahil hindi kagaya niya, si Chino ay weekly kung mapgkaroon ng pahinga.
"I know. Kaya nga hindi ko muna pinopormahan e. Balak ko kaibiganin muna, kapag nakuha ko na ang loob niya, then saka ako unti-unting eeksena. Saka isa pa, gusto ko pa siyang makilala ng mabuti bago ko siya diskartehan." Lumagok siya ng beer saka dumampot ng chips sa kaniyang harapan.
"Good! At least, safe ka sa gulo."
"Teka, ikaw ba, kumusta na kayo ni Althea?" tanong niya rito. Lately, madalang na itong magkuwento ng tungkol sa kaganapan sa buhay nito. Medyo hindi na nga siya updated sa sitwasyon nito at ni Althea.
"Hmmm, okay naman so far. Well, medyo nabawasan na ang pagsusungit ni Althea, but I'm still working to get her back. Alam mo na, medyo matigas ang puso niya dahil sa katangahan ko noon," napapalatak namang sagot nito sa kaniya.
"E, hindi naman natin masisisi si Althea. Loko ka kasi e, kung hindi mo siya tinalikuran noon, sana happy, happy lang kayo ngayon," napapailing niyang saad dito.
"Oo na, oo na. Kasalanan ko naman talaga kaya hindi ako aalma riyan. But I'm telling you, makukuha ko rin ulit ang loob niya. Ngayon pa ba naman na kakampi ko ang anak namin?" nakangising wika nito sa kaniya. Pinagumpog nila ang hawak nilang lata ng beer saka iyon tinungga.
Mabuti pa ang kaibigan kahit papaano malapit na nitong makamtan ang kaligayahan. Samantalang siya, suntok sa buwan pa kung maging sila ng babaeng nagugustuhan niya ngayon.
Natapos ang kanilang pag-iinuman ni Chino at pareho na rin silang nagpahinga. Wala siyang gagawin bukas kundi ang magpunta sa simenteryo upang dalawin ang puntod ng kaniyang ina. Ilang taon na rin kasi ang nakararaan nang magbalik ito at natuklasan nila ng kaniyang ama na may malubha na pala itong karamdaman. Aaminin niyang malaki ang tampo niya sa ina, pero nang umuwi ito na may sakit, parang bulang naglaho lahat ng tampo niya para rito.
Samantala ang kaniyang ama naman ay busy pa rin sa pagpapalago ng negosyo nito. Ilang beses na niyang kinumbinsi ang ama na manatili na lang sa bahay nila sa San Nicholas, pero tumanggi ito. Ayon sa kaniyang ama, baka raw bigla itong kunin ni Lord kapag nagpahinga siya. Matanda na raw siya at iyon na nga lang raw ang pinagkakaabalahan nito, kaya huwag na raw niya itong kontrahin. Nangako naman ito sa kaniya na magpapahinga ito at hindi papagurin ang sarili kaya hinayaan na lang niya ito.
Kinabukasan, dinalaw nga ni Lester ang puntod ng kaniyang ina at nagsindi ng kandila. Nagdasal siya at tahimik na tinitigan ang puntod nito bago siya umalis doon. Nang naglalakad na siyang pabalik sa kaniyang sasakyang nakaparada 'di kalayuan sa puntod ng ina ay nasalubong niya ang babaeng laman ng usapan nila ni Chino kagabi. Naka-long sleeve na puti ito at nakamaong pants. Naka-shades ito at hinahangin ang maiksi nitong buhok habang naglalakad.
May dalang bulaklak si Kris at nakatungong naglalakad patungo sa kaniyang direksiyon. Hindi tuloy nito namalayang mababangga ito sa kaniya — na sinadya niyang gawin.
"Ayyy!"
"Tumingin ka kasi sa dinaraanan mo para hindi ka mabangga."
Doon ito napatingala sa kaniya saka itinaas sa ulo nito ang shades. "Captain? A-anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong nito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Captain Lester - The Captain of the Sea
RomansaLumaki si Lester na kulang sa pagmamahal at atensiyon ng kaniyang mga magulang. Kaya nang makilala niya si Leslie Ann, inakala niyang ito na ang babaeng magpupuno sa pagmamahal at atensiyon na matagal na niyang ninanais. Ngunit nagkamali siya, dahil...