Chapter 55

64 2 0
                                    

Nakahinga lang nang maluwag si Lester nang sabihin ng doktor na ligtas na si Leslie at ang baby nito. Nagpaiwan siya sa ospital habang si Kris naman ay umuwi muna upang dalahan siya ng bihisan nito. Hindi niya hinayaang mag-isa si Leslie lalo na at hindi pa rin nahahanap si Adam — ang puno't dulo kung bakit nasa ospital ngayon ang babae.

Nakatunghay siya sa natutulog na si Leslie habang pinagmamasdan ang mukha nitong may malaking pasa. Naaawa siya sa kalagayan ng babae, iniwan na nga ito ni Adam, napahamak pa ito ng dahil sa lalake.

Napapabuntong hininga na lang siya habang pinagmamasdan ang tulog na tulog na babae. Napalingon pa siya sa pintuan ng silid ni Leslie nang bumukas iyon at iluwa si Kris mula roon. Maydala itong bag kaya kaagad niyang nilapitan ang kasintahan upang tulungan itong magbuhat ng bag. Hinalikan pa niya sa pisngi ang babae saka inilapag sa sofa ang mga bitb it ng kasintahan.

"Kumusta na siya?" tanong pa nito sa kaniya.

"Sabi ng doktor, okay naman daw sila ng baby niya. Kailangan lang magpahinga at magpagaling ni Leslie. Sinuggest na rin ng doktor na kumuha ng psycologist para may mag-advice kay leslie at ma-council siya sa nangyari," paliwanag niya sa kasintahan.

"Kawawa naman siya. Sana lang makulong na at hindi makapagpiyansa ang mga may gawa sa kaniya nito. At sana mahanap na rin si Adam, dahil hangga't hindi nakikita ang lalakeng iyon, hindi pa rin magiging safe si Leslie. Malay ba natin kung may kasama pa ang mga iyon," wika naman ni Kris habang nakatunghay sa higaan ni Leslie.

"Kaya nga." Napahugot na lag siya nang malalim na paghinga saka kinabig si Kris palapit sa katawan niya. Sa mga oras na ito, kailangang-kailangan niya ang kasintahan para pakalmahin siya.

"Ang mabuti pa, magbihis ka na muna. Natuyo na iyang dugo sa damit at balat mo o. Ako na muna ang bahalang magbantay kay Leslie," nakangiting turan ng kasintahan sa kaniya.

Sinulyapan naman ni Lester ang kaniyang katawan saka lumayo sa kasintahan. Puno nga siya ng dugo at ngayon lang din niya naamoy ang sariling malansa.

"Tama ka nga sweet, ang dumi ko at ang sang-sang ng amoy. Maiwan muna kita rito at makikiligo na ako sa banyo. Kapag nagising si Leslie, tawagin mo agad ang doktor," bilin pa niya sa kasintahan.

"Opo! Sige na, maligo ka na." Pagtataboy ni Kris sa kaniya habang nakangiti. Hinalikan muna niya ang noo nito bago nagmamadaling kinuha ang bag na naglalaman ng kaniyang bihisan, saka nagmamadaling nagtungo sa banyo.

Napabuntong hininga naman si Kris nang makapasok na si Lester sa banyo. Nilapitan niya si Leslie at marahang hinaplos ang buhok ng babae. Napaka walang hiya talaga ng mga lalakeng gumawa niyon dito. Oo at nagalit din siya kay Leslie noon dahil sa ginawa nito sa kanila ni Lester, pero hindi naman niya kailanman gugustuhing mangyari ang ganito sa babae.

Maya-maya lang ay umingit si Leslie at unti-unting nagmulat ng mga mata nito. Nang tuluyang makamulat, napatitig ito sa puting kisame at kunot ang noong iniikot ang paningin sa loob ng silid na kinarorooonan nila. Maya-maya lang ay nagsisisigaw ito at pilit na bumabangon mula sa kama. Mabilis namang napigilan ni Kris ang babae at pinindot ang intercom na konektado sa nurses station.

"Lelie, calm down! Shhhh!" awat niya sa babaeng hindi pa rin matigil sa pagwawala.

"Huwag! Please, 'wag!" anito habang lumuluha na.

"Kumalma ka Leslie, makasasama sa inyo ng baby mo iyang ginagawa mo," patuloy na wika ni Kris habang pinipigilan niya ang babaeng tanggalin ang dextros nitong nakakabit sa kamay. Dahil marahil sa traumang dinanas nito, kaya ngayon ganoon ang reaksiyon ng babae.

"Leslie!"

Napalingon si Kris sa pinanggalingan ng tinig at nakita si Lester na nagmamadaling lumapit sa kama. Agad nitong hinawakan ang kamay ni Leslie upang pakalmahin ang babae. Tumigil naman si Leslie at napatitig kay Lester saka ito mabilis na yumakap sa kasintahan at doon nag-iiyak.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon