Mabilis na tumakbo si Kris sa kalsada nang makita niya ang kaniyang anak na tumakbong palabas ng kanilang bakuran. Birthday ng kambal ngayon at ginaganap ang party ng mga ito sa loob ng kanilang bakuran. Nalingat lang siya sandali upang kumuha ng cup cake na hinihingi nito. Ngunit nang balingan na niya ang anak, wala na ito sa kaniyang tabi.
"Krister!" hiyaw niya saka hinawi ang mga taong nakaharang sa kinaroroonan ng kaniyang anak. Para siyang itinulos mula sa kaniyang kinatatayuan nang magtama ang mga mata nila ng lalakeng hindi pa niya handang makitang muli.
"Mommy!" sabi ng bata saka ito tumakbong palapit sa kaniya. Kaagad niyang niyakap ang anak habang nakatingin pa rin sa lalakeng hindi niya inaasahang makita sa mga oras na ito. Trumiple ang lakas ng pagkabog ng kaniyang dibdib nang magtamang muli ang mga mata nila ni Lester. Hindi niya alam ngayon kung paano aalis at magtatago sa lalake gayong nakita na sila nito.
"Mommy, I can't breath!" Biglang natauhan si Kris nang magsalita ang kaniyang anak habang pilit na kumakawala mula sa kaniyang pagkakayakap.
"Sorry, baby! Are you okay? May masakit ba sa iyo?" nag-aalala pa rin niyang tanong sa anak habang ini-inspeksyon ang katawan nito.
"Mommy, I'm okay. Hindi naman po ako nasagasaan, I'm just scared when someone shout," anang anak niya kaya napahinga siya nang malalim. Nagpapasalamat siyang walang nangyaring masama sa kaniyang anak, dahil kung hindi, baka hindi niya mapatawd ang sarili.
"Mommy, who is he?" tanong ng bata saka itinuro si Lester na mataman pa ring nakatitig sa kanilang mag-ina. Hindi niya alam kung anong iniisip ni Lester pero kitang-kita niya sa mga mata nito ang pagnanais na makakuha ng kasagutan sa kaniyang tanong.
Nagbukas-sara ang kaniyang bibig ngunit wala ni isang salitang lumabas mula roon. Habang si Lester naman ay wala ring imik habang nakamasid lang sa kanila ni Krister. Nawawala siya sa konsintrasyon lalo na at sumasabay pa ang mala-drum na pagkabog ng kaniyang dibdib. Kulang na lang lumabas ang puso niya sa lakas ng pagkabog niyon. Mabuti na lang at dumating si Leo.
"Krister, Kris! Oh, God!" tila nabunutan ng tinik si Leo nang makita sila nitong magkayakap ng anak. Mabilis na binuhat ni Leo si Krister bago siya inalalayang makatayo nito.
"Mommy!" Agad namang nabaling ang tingin niya kay Kirsten na hila-hila ang laylayan ng suot niyang puting blouse, habang nakatingin ito kay Lester. Gusto niyang maiyak nang mga oras na iyon pero mas pinili niyang pigilan iyon. Nangako na kasi siya sa kaniyang sarili na hinding-hindi na siya iiyak lalo na kung dahil din lang kay Lester.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Leo sa kaniya saka hinaplos ang kaniyang buhok. Iniipit pa nito ang buhok sa likod ng tainga na tumabing ng bahagya sa kaniyang mukha.
Nginitian niya si Leo saka yumuko upang buhatin si Kirsten. "Let's go back inside," yaya niya kay Leo saka tumalikod upang iwasan ang tingin ni Lester. Hindi pa siya handang makaharap ang lalake dahil hindi niya alam kung paanong ipapaliwanag ang tungkol kina Krister at Kirsten. Isa pa masyado siyang emosyonal ngayon, baka kung ano lang ang magawa niya.
"Kris, can we talk?" Naudlot ang akma niyang paghakbang nang magsalita si Lester.
"W-wait, magkakilala kayo?" takang tanong ni Leo sa kanila. Napilitan siyang pumihit paharap kay Lester upang sagutin ang katanungan ng kaibigan. Sumulyap siya kay Leo saka tumango bilang tugon dito.
"Leo, please can you take them inside? Mamaya na ako magpapaliwanag," pakiusap niya sa binata. Nakakaunawang tumango naman ito saka kinuha mula sa kaniya si Kirsten.
"Bye, mommy!" magkapanabay pang paalam ng kambal sa kaniya saka kumaway sa kaniya. Nginitian naman niya ang mga bata habang kumakaway sa mga ito. Hinintay muna niyang makapasok ang mga ito sa kanilang bakuran saka niya hinarap si Lester.
BINABASA MO ANG
Captain Lester - The Captain of the Sea
RomanceLumaki si Lester na kulang sa pagmamahal at atensiyon ng kaniyang mga magulang. Kaya nang makilala niya si Leslie Ann, inakala niyang ito na ang babaeng magpupuno sa pagmamahal at atensiyon na matagal na niyang ninanais. Ngunit nagkamali siya, dahil...