Chapter 73

79 1 0
                                    

At dumating na nga ang araw ng pamamanhikan nila Lester sa bahay ng mga Enciso. Kasama niya ngayon ang kaniyang amang hindi mapigilan ang pagngiti habang nakalulan ito sa passenger seat ng kaniyang sasakyan. Mas excited pa nga yata ito kaysa sa kaniya dahil sa pagmamadali nito kaninang makaalis sa kanilang bahay.

"Pa, relax ka lang. Ako po ang ikakasal at hindi naman kayo," natatawang saad niya sa kaniyang ama nang mapansin niyang panay ang tingin nito sa relos nito at sa labas ng bintana.

"Naku anak, kung alam mo lang kung gaano ako nasasabik na makilala ang mapapangasawa mo sa pangalawang pagkakataon at ang mga apo ko. Gusto ko ng mayakap ang mga bata at mabati ang iyong magiging may bahay," tila tuwang-tuwang sambit ng ama sa kaniya.

Natawa naman siya habang ipinagpapatuloy ang pagmamaneho ng sasakyan. Hindi siya makapaniwalang ganoon pala masabik ang kaniyang ama. Nakatutuwa lang na suportado siya ng papa niya sa kaniyang mga desisyon at palagi lang itong naroon sa mga oras na kailangan niya ng makakausap.

"Don't worry pa, malapit na po tayo sa bahay nila. Makikita, makikilala at mayayakap mo na po ang mga apo mo." Binalingan niya ang ama saka ito kinindatan.

Ilang minuto pa at narating na nila ang bahay ng mga magulang ni Kris. Sinadya nilang sa bahay ng mga magulang nito hingin ang kamay ng kasintahan bilang respeto sa mga magulang ni Kris. Nais din kasi niyang patunayan sa mga ito na malinis ang intensiyon niya kay Kris at tutuparin niya ang mga ipinangako niya sa mga ito.

"We're here, Pa!" Isang malalim na paghinga ang hinugot niya bago nagtanggal ng kaniyang seatbelt. Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, tila dinadaga ang kaniyang dibdib.

"Are you okay?" tanong ng papa niya sa kaniya.

"Opo! Medyo kinakabahan lang po ako ng very, very slight," pagbibiro niya sa ama na natawa naman sa kaniya.

Tinapik nito ang kaniyang balikat saka nagsalita, "Nothing to worry, anak. Ito na ang pinakahihintay mong sandali. Alam kong makukuha mo rin ang approval ng mga magulang ni Kris. Ngayon ka pa ba naman kakabahan? Ang tagal mong naghintay para rito."

Tama ang papa niya. Matagal na paghihintay ang ginawa niya para sa sandaling ito, kaya walang puwang ang pag-o-overthink niya ngayon. Dahil simula sa araw na ito, bubuksan na nila ni Kris ang susunod na kabanata sa buhay nila.

"Daddy!"

Lumapad ang pagkakangiti niya sa kaniyang mga labi nang makita ang mga anak niyang tumatakbong palapit sa kaniya. Agad siyang lumuhod at sinalubong ng yakap at halik ang mga bata.

"Na-miss niyo ba si Daddy?" tanong niya sa mga ito.

"Opo!" mabilis na sagot naman ng kambal sa kaniya habang mabilis natumatango-tango pa ang mga ito.

"Na-miss din kayo ni Daddy, e," tugon naman siya saka muling niyakap ang mga ito. Kung hindi pa tumikhim ang papa niya, malamang na hindi pa niya bibitiwan ang mga anak.

"Kids, may ipakikilala si Daddy sa inyo, okay ba iyon?" Sabay namang tumango sina Krister at Kirsten at iyon ang naging hudyat para lingunin niya ang ama at ipakilala sa mga anak. Tumayo siya at nilapitan ang amang nakatayo lang sa kaniyang likuran.

"Pa, sila po ang mga apo ninyo — si Krister at Kirsten. Kids, say hi to your lolo."

Kitang-kita niya ang pangingilid ng mga luha sa mga mata ng kaniyang ama habang nakatunghay sa mga batang nakangiting kumakaway rito. Maya-maya pa ay lumuhod na ang kaniyang ama at ibinuka ang mga kamay upang yakapin ang mga apo nito. Mabilis namang nagtakbuhan ang mga bata sa papa niya at niyakap at pinaghahalikan ito sa mukha.

"Mga anak, baka naman malunod si lolo sa mga halik ninyo," natatawang sita niya sa kambal.

"It's okay, son. Gusto ko rin namang malunod sa halik ng mga apo ko e," tugon ng kaniyang ama. Masaya siyang makita ito at ang mga anak niyang masaya sa bisig ng isa't isa.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon