Chapter 58

60 2 0
                                    

Nang magising si Lester ay kaagad niyang inilibot ang paningin sa paligid. Napangiwi pa siya nang sa pagkilos niya ay naidiin niya ang paang tinamaan ng bala ng baril.

"Anak, hinay-hinay lang. Hindi ka pa magaling, baka dumugo ang mga sugat mo." Napatingin siya sa nagsalita at napakurap-kurap dahil hindi siya makapaniwalang ang ama niya ang nagsabi niyon. Narito sa ospital ang ama niya at inaasikaso siya. He's not wearing his three-piece suit, no atachecase, and no business look.

"P-pa?" Hinidi pa rin makapaniwalang aniya rito. "What are you doing here? You suppose to be in Amsterdam."

Ngumiti ang kaniyang ama saka hinaplos ang kaniyang buhok. "Uunahin ko pa ba naman ang Amsterdam kung ang buhay ng anak ko ay nasa peligro?"

He swallowed hard as he felt something is blocking his throat. Hindi siya makapaniwalang kinansela ng ama niya ang business trip nito para lang sa kaniya. Sanay na kasi siyang palaging inuuna nito ang negosyo more than anything else. Kaya ang makita ito ngayon na nasa kaniyang tabi at nakasuot ng ordinaryong damit ay isang hindi kapani-paniwala.

"I'm sorry son for neglecting you for so long. Ang akala ko once I gave you everything you need to live, okay na iyon — hindi pala. I'm sorry for all the years that I'm not been by your side. I was busy building and growing our business that I forgot about you. Iyon lang kasi ang alam kong mabilis na paraan para makalimutan ko ang mama mo. Hindi ko naisip na nariyan ka pala na nangangailangan ng magulang. I'm sorry son. Sana hindi pa huli ang lahat para bumawi ako sa iyo. Sana mabigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon para itama ang lahat," maramdaming wika ng kaniyang ama sa kaniya.

Tuluyan namang tumulo ang mga luha sa mga mata ni Lester. Hindi niya akalain na sa ganitong pagkakataon pala, kaya ring isakripisyo ng ama ang pinakamamahal na trabaho nito. Aaminin niyang malaki ang tampo niya sa kaniyang ama, pero ngayong narito ito sa kaniyang tabi, tila nawalang parang bula ang kaniyang pagtatampo rito.

Inabot niya ang kamay ng ama saka iyong dinala sa kaniyang pisngi. Nginitian niya ang matanda at tumango-tango rito. "Papa, naiintindihan naman kita. Ginagawa mo ang lahat para magkaroon ako ng komportableng buhay. Pero pa, I'm all grown up. Kaya ko na pong magtrabaho para sa sarili ko. Ang dapat na ginagawa mo na lang ay nagpapahinga at ini-enjoy ang buhay mo. Sa buong buhay mo palagi na lang kapakanan ko ang iniisip mo, sana this time ikaw naman. Sarili mo naman ang isipin mo. Huwag mo ng isipin ang mga negosyo mo, ako na ang bahala roon."

"Paano mo naman patatakbuhin ang negosyo kung iba naman ang linya ng trabahong pinasok mo?" natatawang saad ng kaniyang ama. Oo nga naman, ibang-iba ang negosyo ng kaniyang ama sa linya ng trabaho niya.

"E, di turuan mo ako. Ituro mo sa akin lahat ng mga dapat kong matutunan. Or you can still work, pero no more out of the countries. Uso naman na ngayon ang digital, pa. I think you can still run the business while staying at home," tugon niya sa ama.

Todong ngiti naman ang isinagot ng kaniyang ama. "Yeah, not a bad idea. Pero bago iyan, magpagaling ka muna. Hindi ka pa nga magaling, trabaho na kaagad ang iniisip mo."

"Kanino pa ba ako magmamana, pa? Workaholic ang tatay ko e," tugon naman niya rito saka mahinang tumawa. Ang kaninang lumuluhang Lester, ngayon ay punom-puno ng buhay na tumatawa kasabay ng kaniyang ama.

Maya-maya lang ay nagyakapan sila nito. Sobrang saya ng puso ni Lester at napakagaan ng pakiramdam niyang ngayon ay nagkaunawaan na sila ng papa niya. Sa tagal ng panahon, hindi niya akalain na magkakaroon ng pagkakataong mayakap niya at makausap niya ang kaniyang ama ng ganitong katagal. Hindi nagmamadali, at napapakinggan siya ng ama.

"Knock, knock!"

Sabay na napalingon sina Lester at ang kaniyang ama sa pintuan ng kaniyang silid. Naroon at nakangiti ang mga kaibigan niyang kapitan, kasama ang mga asawa nito at may dalang mga basket ng prutas, take-out foods, at kung anu-ano pa.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon