Chapter 53

63 2 0
                                    

"How dare you do that to Lester!" bulyaw ni Leslie kay Adam habang pinagbababayo niya ang dibdib ng lalake. Galit na galit siya sa lalake dahil sa pananakit nito kay Lester.

"Hey! Relax, okay? Buhay pa naman siya at balita ko nakalabas na siya ng ospital. Pasalamat nga siya at iyon lang ang ginawa ko sa kaniya e." Nakangisi pa si Adam habang pinipigilan nito ang kaniyang kamay.

"God, Adam! You almost kill the guy!" sigaw ni Leslie sa lalake.

"Almost! At teka nga, kasalanan mo naman kung bakit humantong sa ganoong sitwasyon ang lalakeng iyon e. Kung hindi mo sinabing sa kaniya iyang ipinagbubuntis mo, sana hindi nasira ang ulo ko at binugbog ang lalakeng iyon!"

"You're knots! Kung hindi mo ako iniwan bago ang kasal natin, hindi ko maiisip na gawin iyon! As*hole!" galit na saad ni Leslie rito saka padabog na naupo sa couch ng apartment ni Adam.

Ilang araw na niyang hinahanap si Adam para tanungin tungkol sa pambubugbog nito kay Lester, pero sadyang mahilig magtago ang lalake. Natiyempuhan lang niya ito ngayon na nag-aayos ng mga gamit nito sa apartment kaya nakompronta niya ang kasintahan. Mukhang magtatago na naman ang siraulong lalake, kagaya ng pagtatago nito noong bago sila ikasal.

Naupo sa kanyang tabi si Adam at inakbayan siya nito. "Hey, relax. Baka kung mapaano pa kayo ni baby niyan e," sabi nito bago siya hinalikan sa kaniyang sentido at hinimas ang kaniyang tiyan.

Himala namang kumalma ang kaniyang sarili nang gawin iyon ni Adam. Aaminin niyang mahal na mahal niya ang lalake kaya hindi rin niya kayang magalit dito.

"Adam, can you please do me a favor?"

Tumingin sa kaniya ang kasintahan. "What?"

"Please, huwag mo na ulit gagawin ang ginawa mo kay Lester. And please, harapin mo na ang nagawa mong pagkakamali. Kung kinakailangan kitang samahan, gagawin ko. Dalawa tayong hihingi ng tawad kay Lester."

Sumiryoso ang mukha ni Adam saka ito dumistansiya sa kaniya. "No! Hindi ako haharap sa lalakeng iyon para humingi ng tawad. Mas gugustuhin ko pang maparusahan kaysa ang magmukhang tanga sa harapan ng gagong iyon!" galit na saad nito.

"Adam, please. Para kay baby," pangungumbinsi ni Leslie sa kasintahan.

Tumayo si Adam mula sa kinauupuan nito at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit. Napabuntong-hininga naman si Leslie saka tumayo at yumakap sa baywang ng kasintahan mula sa likuran nito. Gusto na niyang maging tahimik ang buhay nila ni Adam kaya pilit niyang kinukumbinsi itong humarap na kina Lester.

"Adam, please. Gawin mo naman ito para sa amin ng magiging anak natin. Gawin mo naman ito para hindi na lumala pa ang sitwasyon," pagmamakaawa niya rito.

Walang imik naman si Adam habang patuloy lang ito sa ginagawang pag-iempake. Alam niya kung gaano katigas ang ulo ng lalake, pero hindi pa rin niya susukuan ito basta-basta. Hanggang sa tanggalin ni Adam ang kaniyang mga kamay na nakapulupot sa baywang nito.

"Sorry Leslie, but I can't do it." Iyon lang at tuloy-tuloy na itong lumabas ng apartment nito. Naiwan naman siyang natitigilan dahil kahit anong pakiusap niya sa lalake ay hindi siya pinakinggan nito.

Nanghihina na muli na lang siyang napaupo sa sofa at napaiyak sa sama ng loob. Muli, ipinadama ni Adam sa kaniya na wala siyang halaga rito. Kaya simula sa araw na ito, kahit gaano pa niya kamahal ang lalake, aaralin na niyang kalimutan ito at panindigang mag-isa ang magiging anak nila.

"Baby, sorry," humahagulhol niyang sambit sa kaniyang tiyan habang hinahaplos iyon. "Simula ngayon, dalawa na lang tayo. Hindi na ako aasa pa na magbabago ang tatay mo. But don't worry anak, bubuhayin kitang mag-isa at ipakikita natin sa ama mo na kaya natin ng wala siya."

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon