Chapter 46

62 2 0
                                    

"Pesteng babae iyon! Ang kapal ng mukha!" gigil na gigil na saad ni Vanessa habang naglalakad na silang pabalik sa sasakyan ng pinsan. Matapos kasi nilang marinig ang mga sinabi ni Leslie kanina sa loob ng restaurant, agad ng niyaya ni Kris ang dalaga na umalis doon. Ayaw niya kasing dumating sa point na sugurin ni Vanessa ang grupo ni Leslie at magkagulo roon. Knowing her cousin, walang inaatrasan ito.

"Hayaan mo na cous. Ang mabuti pa umuwi na lang tayo," tanging tugon niya sa pinsan. After nilang marinig lahat ng sinabi ni Leslie sa mga kaibigan nito, tila nagulo ang kaniyang isipan.

"Mabuti pa nga! Pero teka, ano nang plano mo matapos mong matuklasan ang katotohanang wala naman palang nangyari kina Lester at Leslie? Siguro naman kauusapin mo na si Lester at hahayaang magpaliwanag?"

Napakibit-balikat naman siya kasabay ng pagbuntong hininga. Sa totoo lang kahit pa nalaman niya ang katotohanang walang nangyari kina Lester at Leslie, parang wala pa rin siyang balak na kausapin ang binatang kapitan. Hindi dahil sa ma-pride siya, kundi dahil hindi pa rin nawawala ang sakit na nararamdaman niya.

Masaya siyang malaman na walang namagitan sa kasintahan at sa haliparot na si Leslie, pero hindi pa rin mawala sa isipan ni Kris ang katotohanang magkasama ang mga ito sa unit ng binata.

"Anong klaseng sagot iyan? Kung ako sa iyo, kauusapin ko agad si Lester para sabihin sa kaniyang na-set up siya. Saka para na rin marinig mo naman ang side niya at malinawan ka sa totoong nangyari nang araw na makita mo silang naghahalikan," sabi ni Vanessa sa kaniya.

"Huwag na muna cous," tugon naman niya rito.

"Ha? Bakit? Ano, hahayaan mo na lang na ganiyan kayo ni Lester? Kawawa naman iyong tao. Wala siyang kaalam-alam na na-set up pala siya, samantalang ikaw alam mo naman pero ayaw mong sabihin sa kaniya," litaniya ng pinsan sa kaniya.

"Hindi naman sa ayaw kong sabihin sa kaniya ang natuklasan natin, pero kasi sa ngayon gulong-gulo pa rin ako. Alam kong dapat masaya ako ngayon na wala naman palang nangyari sa kanila ni Leslie, pero kasi — basta!" Naipilig pa niya nang malakas ang kaniyang ulo saka lumulan sa sasakyan ni Vanessa. Hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman sa mga sandaling ito. Nabunutan naman siya nang maluwag sa kaniyang dibdib, pero parang may agam-agam pa rin sa puso niya. Naiinis siya dahil parang na-trauma na siya sa nangyari. Parang nato-trauma na siyang maiwang muli ng lalakeng minamahal niya ng lubos.

"Hay naku! Ewan ko sa iyong babae ka. Pero sinasabi ko sa iyo, dapat hayaan mong magpaliwanag si Lester para naman maging fair ka sa kaniya. Hindi sa kinakampihan ko siya, pero matapos kong marinig ang kahayupan ng malanding si Leslie, tingin ko deserve naman ni Lester ang mapakinggan," anang pinsan niya habang pinaaandar ang sasakyan nito.

Muli naman siyang napahinga nang malalim saka tumanaw sa labas ng bintana ng sasakyan. Napapaisip siya sa sinabi ng kaniyang pinsan at alam naman niyang tama ito. Alam naman niya ang dapat niyang gawin pero hindi niya alam kung saan magsisimula. Siguro dapat hayaan na muna niya iyon hanggang sa maging ready na siyang kausapin si Lester. Sa ngayon kasi tingin niya ay hindi pa niya kayang harapin ito.

Samantala, pagkauwing-pagkauwi ni Lester mula sa isang linggong pagku-cruise, agad siyang dumiretso sa bahay nina Kris upang sana makausap ang babae. Pero sa kasamaang palad, wala ang kasintahan sa tahanan ng mga ito.

"Hijo, hindi naman sa nanghihimasok kami sa relasyon ninyo ng anak namin, pero tingin ko kailangan mo muna siyang bigyan ng pagkakataong huminga at makapag-isip. Hindi namin alam kung ano ang nangyayari sa inyo, pero batid naming maayos din ninyo iyan. Just give her some time to think," anang ina ni Kris nang harapin siya ng mga ito.

"Tita, I'm sorry. I'm sorry kung hindi ko natupad ang pangako ko sa inyong hindi sasaktan si Kris," hingi niya ng paumanhin sa ginang saka yumuko. Hiyang-hiya siya sa magulang ng kasintahan dahil sa nagawa niya sa anak ng mga ito. Nabanggit kasi ng mga magulang ng babae na naikuwento na raw ni Kris ang lahat sa mga ito.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon