Saglit na natigagal si Lester nang abutin niya ang pregnancy test na mula kay Leslie. Positive nga ang nasa pregnancy test, pero hindi pa rin siya kumbinsido na totoong buntis ang babae. Hindi na siya basta-basta mahuhulog sa babae. Kaya ibinalik niya kay Leslie ang pregnancy test saka nakapamulsang hinarap ang babae.
"Congratulations then," walang emosyong sabi niya rito.
"Well, congratulations too! You'll be a father soon." Malawak ang pagkakangiti sa mga labi ni Lelie matapos sabihin iyon sa kaniya.
Napalatak naman siya saka pahalukipkip na tiningnan ang babae. "How sure you are na ako ang ama ng ipinagbubuntis mo?" nang-uuyam niyang tanong dito.
"Dahil ikaw ang huling lalakeng nakaniig ko, remember?"
"That doesn't prove anything. Just because you say so, I will believe you," matigas niyang turan sa babae.
Tila naman nainis si Leslie sa kaniyang sinabi at nakakuyom pa ang mga kamay nito habang nagtatagis ang mga bagang na nakatingin sa kaniya. Habang siya naman ay hindi man lang natinag sa naging reaksiyon ng babae.
"This is yours and I am sure of it!" galit na turan ni Leslie sa kaniya.
"Then prove it!" Tinumbasan niya ng mas matapang na titig ang mga tinging ipinukol ni Leslie sa kaniya. Hindi siya papayag na tuluyang masira ang relasyon nila ni Kris dahil doon.
"How can I prove it to you, you id*ot!" galit na galit na bulyaw ni Leslie sa kaniya.
"DNA testing. We'll do a paternity test to make sure that I am the father of your child," aniya saka dinukot ang kaniyang cellphone sa bulsa ng suot niyang pantalon. Agad niyang hinanap ang numero ni Vanessa at tinawagan ito. Kung may kilala siyang makakasagot ng katanungan niya, si Vanessa iyon dahil isa itong doktor at sigurado siyang may alam naman ito tungkol doon.
"Hi, Van! No, don't worry I won't ask you where she is but listen, when can we do a paternity test?" Kitang-kita niya na tila uneasy si Leslie sa kaniyang harapan ngayon habang nakikipag-usap siya kay Vanessa.
"Paternity? Bakit? Don't tell me jontis ang malanding Leslie na iyon ha?" Narinig niyang tila irita ang boses ni Vanessa sa kabilang linya.
"Unfortunately, she said she is — and claiming that I am the father. I want to make sure of it, kaya gusto kong mag-paternity test kami. Gusto ko na ring matapos ang kaguluhang ito. Can you help me?" tanong niya sa dalaga.
"Naku, naku, naku Lester! Utang na loob, huwag kang maniniwala sa haliparot na iyan! Niloloko ka lang niyan!" babala ng dalaga sa kaniya.
"I know. Kaya nga gusto kong patunayan niyang sa akin nga ang ipinagbubuntis niya," aniya habang nakatingin pa rin siya kay Leslie na parang namumutla sa kaniyang harapan habang patagal nang patagal silang nag-uusap ni Vanessa.
"Okay, as early as nine weeks puwede ng malaman. Kung gusto mo para hindi na makagawa ng kababalaghan iyan, may kaibigan akong doktor na puwedeng gumawa niyan. Ire-refer na lang kita sa kaniya," tugon nito sa kaniya.
"Great! I'll let you know kung kailan. Thank you, Van!" sabi niya sa dalaga saka siya nagpaalam dito.
Matapos ng pag-uusap nila ni Vanessa, hinarap naman niya si Leslie at kinausap, "Sabi mo two months na iyang tiyan mo, 'di ba? Then let's set the paternity test next week, same day." Hindi na niya hinintay na sumagot pa sa kaniya si Leslie, tinalikuran na niya ito at dire-diretsong nagtungo sa elevator ng condo at mabilis na lumulan doon. Agad siyang sumundal sa haligi ng elevator at napahugot nang malalim na hininga nang tuluyan na iyong sumara. Para kasing naubos bigla ang lakas niya matapos niyang makipag-usap kay Leslie.
![](https://img.wattpad.com/cover/330145236-288-k727749.jpg)
BINABASA MO ANG
Captain Lester - The Captain of the Sea
Любовные романыLumaki si Lester na kulang sa pagmamahal at atensiyon ng kaniyang mga magulang. Kaya nang makilala niya si Leslie Ann, inakala niyang ito na ang babaeng magpupuno sa pagmamahal at atensiyon na matagal na niyang ninanais. Ngunit nagkamali siya, dahil...