Chapter 71

79 1 0
                                    

Ang tanga-tanga mo talagang bababe ka! Inis na sambit niya sa kaniyang sarili. Matapos niyang mag-walk out ay ayun siya ngayon at hindi mapakali sa pabalik-balik na paglalakad sa loob ng sala ng kaniyang bahay. Kinakagat-kagat pa niya ngayon ang kaniyang kuko sa kaniyang kanang hinlalaki, habang ang isang kamay ay nakapatong sa kaniyang baywang.

"Aguy! Anong ibig sabihin niyang ganiyang awrahan mo?" napahinto siya sa paglalakad nang biglang sumulpot sa pintuan ng kaniyang bahay ang nakangising mukha ni Jean.

Umarko ang kaniyang kilay saka busangot ang mukhang pinamaywangan ang kaibigan. "Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba naa site ka?" tanong niya sa dalaga.

"Ay ang sungit! Bawal na bang pumarada ang kagandahan ko rito? Grabe ka! Nakasasakit ng damdamin!" anito saka humalukipkip sa kaniyang harapan.

Medyo tinamaan naman siya ng guilt kaya nilapitan niya ang kaibigan saka ito niyakap. Masyado na yata talaga siyang apektado sa presensiya ni Lester, kaya pati ang kaibigan niya ay nadadamay sa kasungitan niya.

"Sorry na. Naiinis lang kasi talaga ako ngayon e," busangot ang mukhang saad niya sa babae.

"Hmp! Tapos idadamay mo ako sa init ng ulo mo!" nakairap namang sagot ni Jean saka ito naglakad patungo sa kaniyang leather sofa na nababalutan ng floral cover. Pasalampak na naupo ito roon saka nag-de quatro. "Sino ba ang nakasira ng araw mo?"

Sinundan niya ang kaibigan at naupo sa tabi nito. "Sino pa ba?"

She rolled her eyeballs and sigh. Muli naman kasi niyang naalala ang eksena sa coffee shop kani-kanina lang. Muling bumangon ang inis sa kaniyang puso lalo na nang maalala kung paanong makipag-usap si Lester sa babaeng customer nila. Halos ipagduldulan na ng babae ang dibdib sa lalake, habang si Lester naman ay tila tuwang-tuwa pa habang nakikipag-usap doon.

"Malaki lang naman ang dibdib no'n, pero mukhang bakla naman!"

"Aha! At totoo nga ang tsismis! Nagseselos ka nga 'no?" bulalas ni Jean sa kaniya.

Napalingon siya sa kaibigang nagniningning ang mga mata nang mga sandaling iyon saka mariing umiling dito. "Selos, hindi a!" mataas ang tonong wika niya rito.

"Hus! Kunwari ka pa riyan. Nagseselos ka kaya masama ang timpla ng mukha mo! Hay naku, umamin ka na kasi dahil bukong-buko ka na 'day!"

"Anong aaminin ko? Saka kanino mo naman nalaman ang tsismis na iyan? Imbento ka ha!" kaila pa rin niya sa kaibigan habang nanghahaba ang kaniyang nguso.

"Aysus! Sige deny pa! Ayon sa reliable source ko, noong nakaraan ka pa ganiyan sa tuwing nakikipag-usap sa ibang babae si Captain mo."

Napakamot naman siya ng kaniyang ulo dahil sa sinabing iyon ni Jean. Hindi na nga talaga siya makakapaglihim dito lalo pa at sanggang dikit ito ni Leo. Ang binata lang naman ang alam niyang magkukuwento kay Jean ng tungkol sa bagay na iyon dahil palagi itong dumadaan sa shop para um-order ng kape.

"Hindi nga ako nagseselos! Naiinis lang ako sa mga babaeng customer ng coffee shop. Kung makipag-usap kay Lester akala mo naman dessert si Lester na gustong lantakan!" busangot ang mukha niyang sagot kay Jean.

"Ayun! Sige, hindi ka na nagseselos, hindi nga halata e!" bumubungisngis namang turan ni Jean sa kaniya.

"Heh!" Pinalo niya ang hita nito saka inirapan. "Bakit ka nga pala napadpad dito? Nasa shop pa si Leo at hinihintay ang kapeng in-order niya," nakasimangot pa ring wika niya sa kaibigan.

"Alam ko!"

"Paano mong nalaman?"

"Haller! Magkasama kaya kaming dumating sa shop, nauna lang siyang pumasok. Busy ka kasi sa kaseselos mo, kaya hindi mo ako napansin," malapad ang pagkakangiting sagot nito sa kaniya.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon