Chapter 33

81 2 0
                                    

Inis na inis pa rin si Kris dahil sa pagsama ni Lester sa Auction night. Ang buong akala kasi niya hindi na ito sasali since wala naman na itong nababanggit nitong mga nakaraang araw. Iyon naman pala tumuloy pa rin ito. Sa totoo lang, ayaw naman niyang pigilan si Lester dahil wala naman silang opisyan na relasyon ng binata. Pero aaminin niyang selos na selos siya, maisip pa lang niyang may makaka-date itong iba. Kaya nang yayain siya ni Jaja kanina, talaga namang nagbihis pa siya ng gown para lang sumali sa bidding.

Flashback...

"Kris, hindi ka ba pupunta sa auction night?" tanong ni Jaja sa kaniya. Katatapos lang ng duty niya at kasalukuyang nagtitimpla ng kape bago sana magtungo sa kaniyang cabina nang tanungin siya ng kaibigan.

"Ano namang gagawin ko roon?" nakataas ang isang kilay na tanong niya sa kaibigan.

"Aba, e di makiki-bid! Haller!" sagot nito sa kaniya habang umiikot pa ang eyeballs nito.

Napangisi naman siya saka ipinagpatuloy ang pagtitimpla ng kape. Ayaw niyang magpunta sa auction night at makipag-bid. Bakit pa, kung may yummylicious Captain naman siya? Napakagat labi pa siya habang iniisip ang guwapong imahe ni Lester.

"Pass!"

"Ayyy! Bakit?" dismayadong tanong naman ni Jaja sa kaniya.

"Anong bakit? Hindi ako mag-aaksaya ng pera para riyan 'no!" aniya sa kaibigan.

"Weeehhh! Paano kung sabihin ko sa iyong kasama sa mga ibi-bid ang yummylicious mong Captain? Hindi ka pa rin ba pupunta? Hahayaan mo na lang bang ma-mine iyon ng iba? Hindi ka ba magseselos?" sunod-sunod na tanong ni Jaja sa kaniya.

Nangunot naman ang kaniyang noo sa narinig na iyon mula kay Jaja. Napatingin tuloy siya nang 'di oras sa kaibigan upang siguruhing hindi ito nagbibiro.

"O, ano, hindi ka pa rin ba pupunta? Ikaw rin..."

"Anong oras iyon?" mabilis niyang tanong sa kaibigan.

Napangiti naman nang malapad si Jaja saka sinabi sa kaniya ang oras. Sumulyap siya sa kanyiyang relo saka nagbilang. May tatlong oras pa naman bago ang event, kaya marami pa siyang oras para mag-ayos ng sarili.

"Ja, saan ang event?" tanong niya sa kaibigan.

"Sa theater. Hoy! Ang kape mo!" Hindi na niya pinatapos ang pagtitimpla ng kape at umalis na siya sa bridge. Kailangan niyang maghanda para mamaya sa event. Hindi siya papayag na may ibang maka-date si Lester. Selfish as you may say, pero hindi niya makakayang makita o mabalitaan man lang na mayn makaka-date na iba si Lester. Never!

End of flashback...

Mabilis siyang nagkulong sa kaniyang silid matapos ang auction night at iniwan si Lester kasama ng mga kaibigan nito. Nilalamig na kasi siya sa suot niyang halter red plunging dress kaya nauna na siyang bumalik sa kaniyang cabina. Isa pa, hindi pa rin humuhupa ang pagkainis niya sa binatang kapitan. Kaya naman ngayong gabi, bilang parusa, hindi siya matutulog kasama nito. Magdusa itong matulog mag-isa.

Dinoble lock niya ang kaniyang cabina para hindi agad makapasok si Lester sa kaniyang kuwarto. Mapudpod ang kamay nito kakakatok sa kaniyang pintuan, hinding-hindi naman niya pagbubuksan ang lalake.

"Manigas ka ngayon! Hindi ka pa talaga nakontento sa akin at sumali ka pa sa auction ha. Puwes, ngayong gabi magdusa ka!" bubulong-bulong niyang saad sa kaniyang sarili habang nagkukuskos siya ng kaniyang katawan. "Akala mo ha! Hmp!" sabi pa niya saka tumapat sa dutsa ng shower.

Ninanamnam niya ang pagtulo ng maligamgam na tubig sa kaniyang katawan habang nakapikit. Napapangiti pa siya dahil sa nakaka-relax na pakiramdam sa kaniyang buong katawan na dulot ng maligamgam na tubig. Ngunit maya-maya lang ay naitakip niya ang kaniyang mga kamay sa buo niyang katawan nang may biglang magbukas ng shower curtain. Namimilog ang kaniyang mga mata at hindi malaman kung paanong ikukubli ang kaniyang kahubaran.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon