Chapter 52

61 2 0
                                    

Agad namang binitiwan nina Chino at Jeffrey si Kris nang makaalis na si Leslie sa kuwartong iyon. Nasapo naman niya ang kaniyang noo habang ang isang kamay ay nasa baywang niya. Sobra-sobra ang galit na nararamdaman niya para kay Leslie kaya hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili. Nasaktan niya ang babae at nakalimutang buntis ito.

"Wooohhhh! Akala ko may isa pang mararatay sa kama e. Ang tapang pala nitong si Kris, parang ang mga amazonang misis lang natin," kumento ni Rex nang maisara na ang pintuan ng silid ni Lester.

"Naku, tama lang naman ang ginawa ni Kris. Prinotektahan lang niya ang mahal niya. Welcome to the club sis!" sabi naman ni Grace habang pumapalakpak pa ito sa tabi ni Rex.

Bigla naman siyang nahiya at hindi malaman kung tatawa ba o hindi sa tinuran ng babae. Ngayong nahimasmasan na siya, bigla niyang naisip na nakahihiya pala ang ginawa niyang pagwawala sa harapan ng mga kaibigan ni Lester.

"Sorry. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko kanina. Malakas talaga ang hinala kong siya ang may kagagawan ng lahat ng ito," aniya sa mga kaibigan ng kasintahan.

"Teka, paano mo naman nasabing si Leslie nga ang may kasalanan ng lahat ng ito? May ebidensiya ka ba? I mean, hindi natin puwedeng sabihin na lang basta-basta sa mga pulis na si Leslie ang may gawa ng wala naman tayong sapat na katibayan laban sa kaniya," ani Jeffrey na nakatayo na ngayon sa tabi ng asawa nitong malaki na ang tiyan.

Umiling naman siya dahil iyon naman talaga ang totoo. "Wala. Pero siya lang naman ang may motibong gawin ang bagay na iyon dahil noong huling beses kaming nagkaharap, ipinipilit pa rin niyang anak ni Lester ang ipinagbubuntis niya, kahit pa lumabas na sa paternity test na zero percent ang DNA sample na nakuha kay Lester."

"Iyon lang. Hindi kasi talaga puwedeng gamiting ebidensiya iyon e," sabi naman ni Marc.

"Don't worry Kris, may nakausap naman na si Jeff para i-check ang mga CCTV sa lugar na iyon. Saka oras na magising si Lester, mas lilinaw na ang lahat. For now, kailangan nating hintaying magising ang isang ito at maka-recover," sabi ni Chino saka sinulyapan ang natutulog na si Lester.

Muli naman siyang lumapit sa higaan ng kasintahan saka hinawakan ang kamay ng kasintahan. Tama ang mga kaibigan, hihintayin na lang nilang magising si Lester at makalap ang CCTV footage sa lugar na pinangyarihan ng insidente. Doon lang sila malilinawan kung sino ang may kagagawan niyon.

"Thank you sa inyong lahat. Pero paano nga pala ninyo nalaman ang nangyari kay Lester?" tanong niya sa mga ito.

"Tinawagan ng nurse ng ospital na ito si Chino bilang siya naman ang nakalagay sa emergency contact ni Lester," sagot ni Althea sa kaniya.

"Si Chino? Hindi ang papa niya?" takang tanong niya rito.

"A, oo ako ang emergency contact ni Lester kasi palagi namang wala ang papa niya. Hindi pa ba naikukuwento sa iyo ng kaibigan namin na workaholic ang tatay niya, at kung saan-saang lupalop ng mundo nagpupunta?" tanong ni Chino sa kaniya.

Minsan na ngang nabanggit ni Lester iyon sa kaniya, pero hindi naman niya akalain na si Chino ang emergency contact person nito. Napatango-tango na lang siya saka ngumiti sa mga ito.

"Anyway, we have to go. May mga lakad din kasi kami, and since narito ka naman na, kaya mo na sigurong alagaan ang future mister mo. Kung sakaling magkaproblema, tawagan mo lang kami. Here," sabi ni Jeff sabay abot nito ng tarheta sa kaniya. Ganoon rin naman ang ginawa ng iba pa sa mga kaibigan ni Lester. Samantalang ang mga babae naman ay lumapit sa kaniya at bineso siya ng mga ito.

"We like you na!" sabi pa ni Kristine saka pinisil ang kaniyang kamay.

"Agree!" pagsang-ayon naman ng tatlo pang babae.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon